Saturday , November 23 2024

Borlongan: Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa Tula (Ginawaran ng UMPIL)

ISANGbeteranong mamamahayag, manunulat at makata ang ginawaran ng Gawad Balagtas (Tula sa Filipino)ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Umpil) o The Writers Union of the Philippines nitong Sabado, 28 Abril, sa Lungsod ng Roxas, lalawigan ng Capiz.

Si Ariel Dim. Borlongan, kasalukuyang kolumnista ng HATAW D’yaryo ng Bayan, ay isa sa mga pinagkalooban ng Gawad Balagtas (Tula sa Filipino) Gawad sa ika-31 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas kasabay ng 44th National Writers’ Congress ng Umpil, na ginanap sa Gerry Roxas Foundation Training Resource Center, sa nasabing lungsod.

PAGBATING MALUWALHATI sa mga nagkamit ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ( Abdon M. Jr. Balde, Ariel Dim Borlongan, Alain Russ Dimzon, Reynaldo Ileto, Malou Jacob, Connie J. Maraan, Myrna Peña Reyes, at Cles Rambaud), Gawad Paz Marquez Benitez (Susan Evangelista) at Gawad Pedro Bucaneg (Women in Literary Arts o WILA) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Ang seremonya ng pagpaparangal ay nangyari noong 28 Abril 2018 bilang tampok na bahagi ng Ika-44 Pambansang Kongreso ng mga Manunulat ng UMPIL na idinaos sa Gerry Roxas Training and Convention Center sa Lungsod Roxas, Capiz. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sa labas ng Maynila ginanap ang aktibidad na ito. (Larawan at Teksto: Dr. Michael Coroza)

Iginawad kay Borlongan ng mga kapwa-manunulat ang nasabing karangalan dahil sa kanyang “pananalinghaga na walang takot sa pag-sisiyasat ng kasaysayan, mataos na pagpapaliwanag, at panghihikayat na makiisa sa danas at pananaw sa daigdig ng mga nasa laylayan ng lipunan.”

Bukod kay Borlongan, ginawaran din sina Abdon Balde, Jr. (Fiction in Filipino); Alain Russ Dimzon (Poetry in Hiligaynon); Reynaldo Ileto (Criticism in English); Malou Jacob (Drama in Filipino); Connie Jan Maraan (Fiction in English); Cles Rambaud (Fiction in Ilokano); at Myrna Peña-Reyes (Poetry in English).

Ang Gawad Paz Marquez Benitez,  isang lifetime achievement award for literary education, ay ipi-nagkaloob kay Susan Evangelista, dating professor sa Ateneo de Manila University at  founding  president  ng Ugat ng Kalusugan (Roots of Health) sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang Gawad Pedro Bucaneg para sa outstanding literary organization ay ipinaghkaloob sa Women in Literary Arts (WILA) ng Cebu.

Ayon kay Borlongan, “Ipinagmamalaki kong lehitimong taga-Balagtas, Bulacan ang nagtamo ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa pagsulat ng Tula sa Filipino.”

Aniya, “Ikinararangal kong matamo ang Gawad ng Pambansang Alagad ni Balagtas na pinakamahalagang pagkilala mula sa mga kapwa manunulat at lalong nagpatingkad sa aking pagkamakata bilang lehitimong tubo sa bayan ng Balagtas na walang pagkilala sa mga anak ng sining.”

Pahayag ito ng tila hinanakit sa kanyang bayan na ipinangalan sa bayani at pambansang makatang si Francisco Balagtas pero walang pagpapahalaga sa mga supling ng sining. Aniya, matagal na rin itong reklamo ng Umpil, na tuwing Balagtas day, beauty pageant ang porma g pagdiriwang sa bayang sinilangan ng bayaning makata.

Isa umano ‘yan sa dahilan kung kaya sa Orion, Bataan pinipiling ipagdiwang ang Araw ni Balagtas, ang lugar na huling pinanahanan nila ng kanyang pamilya at kanyang pinanawan.

Sinasabing dahil sa kanyang mapait na karanasan, sa kanyang banig ng karamdaman ay hiniling ni Balagtas sa kanyang mga anak na huwag siyang gayahin at huwag maging makata dahil sa mga pagdurusang kanyang dinanas, sukdulang putulin ang mga kamay kaysa maging manunulat.

Ang karanasang ito ni Balagtas ay tila nauulit sa mga supling ng sining sa bayan na kanyang sinilangan at ipinangalan sa kanya — Balagtas, Bulacan.

Kumikilos ang Umpil para gawing pambansang bayani ang makata dahil naniniwala sila na wala sina Gat Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio kung wala si Balagtas.

Sa kanyang kabataan, si Borlongan, tubo at lehitimong taga-Balagtas, Bulacan ay nakilala sa kanyang mga akda na lumalabas noon sa iba’t ibang pahayagan at magazine.

Isa sa mga hindi malilimutang akda niya ang Saudi With Love, isang tula hinggil sa overseas Filipino worker (OFW) na pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia.

Pihikan sa kanyang panulat, isang aklat ng mga kolekisyon niyang tula — Pasintabi sa Kayumanggi — na inilathala ng Anvil Publishing noong 1994.

Isinalin niya sa Filipino bilang Ang Bagong Lumipas 1 at 2 noong 1996 at 1998 ang mahahalagang aklat sa kasaysayan na “A Past Revisited” at ang “The Continuing Past” ng bantog na kababayan at makabayang historyador na si Renato “Tato” Constantino.

Tagapagtatag, opisyal at miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng mga manunulat, si Borlongan ay naging editor, reporter, publisher at kolumnista ng iba’t ibang pahayagan kabilang ang Diyaryo Filipino, Filipino Magazin, Bandera Tonight, Diario Uno, Arangkada, Bulgar, Kabayan, Bigwas, Balita, Tanod, Pilipino Mirror at Hataw.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *