Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN, posibleng maagaw din ang daytime ratings

SA totoo lang, ang paniwala namin diyan sa pagpasok ng mga bagong teleserye sa afternoon slot ng ABS-CBN, naroroon ang malaking posibilidad na maagaw na rin nila pati ang daytime ratings sa telebisyon. Sa totoo lang, iyong sisimulan nilang Araw Gabi, talagang impressive ang cast.

Bukod kina JM de Guzman at Barbie Imperial na siyang mga bida sa serye, iyong kanilang support ay puro top rating leading ladies. Isipin ninyo iyong ang susuporta ay sina Ara Mina, Rita Avila, at Vina Morales. Lahat iyan sikat on their own.

Ang nakatawag pa ng pansin namin ay iyong theme song. Hindi na bago iyong Araw-araw Gab-gabi. Ginawa iyan ni Willy Cruz para maging theme song ng isang pelikula noong araw, at sumikat naman nang kantahin iyan ni Didith Reyes.

Pero iyong bagong version ng kanta, na kinanta naman ni Vina para sa teleserye, aba eh napakaganda ring lumabas niyong kanta. Siguro kung ang theme song ng kanilang teleserye ay ilalabas din commercially sa CD, magiging hit ulit ang kantang iyan. Lalo na nga at masasabayan pa ng isang hit ding teleserye.

Sa nakita namin, napakagaan ng dating ng seryeng Araw Gabi. Iyang mga ganyang klaseng kuwento sa drama ang talagang nagugustuhan ng mga tao simula pa noong araw, at naniniwala kami na ganoon pa rin naman ang gusto ng publiko sa ngayon.

Basta ang bet namin, magiging top rater din iyan sa pagsisimula ng serye sa Lunes ng hapon. Abangan ninyo. Aabangan din naman namin iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …