Tuesday , December 31 2024

Planong casino mga patakaran sa Boracay

MUKHANG hindi na matutuloy ang planong pagtatayo ng higanteng casino sa Boracay.

Tahimik na ipinagbunyi ng marami ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) na umatras na ang Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau sa pagtatayo ng casino na nagkakahalaga ng $500 milyon sa 23 ektarya ng lupa sa Boracay.

Pero itinanggi ng Leisure and Resorts World Corporation, ang local partner ng Galaxy, na inabandona ang planong pagtatayo nila ng casino.

Maaalalang tumanggap ng sari-saring batikos ang itatayo sanang casino lalo na’t natiyempo ang pagpapagawa nito sa panahon na isasara ang isla sa mga turista sa loob ng anim na buwan simula 26 Abril 2018.

Ayon kay President Duterte, naging ‘palikuran’ na ang Boracay matapos makitang hindi sapat ang kapasidad ng mga pasilidad na magpro­seso ng dumi na iniwan ng mga tao.

Mawala man ang suliranin sa casino, maraming paghihigpit ang isasakatuparan sa isla ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Halimbawa rito ang pagbabawal sa mga tu­rista na makapasok sa isla kaya sa Jetty Port sa Malay, Aklan ay pipigilan na sila. Papayagan ang mga residente, manggagawa at may-ari ng resort na makapasok sa isla kung mayroon silang identification cards na makapagpapakita kung saan sila nanunuluyan sa Boracay. Ang mga ID na inisyu ng gobyerno ay kikilalanin. Ang mga ID na hindi nagmula sa gobyerno ay tatanggapin kung may kasamang barangay certificate.

Bawal ang paglangoy sa mga turista samantala ang mga residente ay papayagang mag-swimming sa Angol Beach sa Station 3 mula 6:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Walang papapasuking bisita ng mga residente ng Boracay maliban kung may emergency at may clearance mula sa security committee na kinabi­bilangan ng kinatawan ng DILG, pulis at lokal na opisyal ng gobyerno. Pati mga taga-media ay papapasukin lang kung aprobado ng DOT at itinakda kung hanggang kai­lan sila magtatagal.

Hindi papayagan ang mga lumulutang na estruktura nang hanggang 15 kilometro mula sa baybayin. Ang mga dayuhang residente naman ng Boracay ay kailangang ipasuri ang kanilang papeles sa Bureau of Immigration. At isa

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *