MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018.
Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang second edition ng WSC 2.
Ngayong taon, tinitiyak ng organizers ng WSC na magiging madali para sa mga regular participants, returning champions at mga bagong lalahok na sumali sa kompetisyon sa pag-introduced ng online registration system via its website, www.worldslashercup.ph.
“Those interested can simply visit the website, click the REGISTER ENTRY button, and fill up the required details. After submission online, the WSC Derby Office will get in touch with the registrant to verify information and later inform them if the registration is confirmed. Other details such as reservation of cockhouses and entry fee payments can also be discussed upon entry confirmation,” pahayag ng pamunuan ng WSC.
Ang World Slasher Cup na tinaguriang “Olympics of Cockfighting” ay tinatangkilik at nilalahukan ng mga breeders mula sa US, Kuwait, Indonesia, Malaysia, Taiwan, and the Philippines.
Si Rep. Patrick Antonio ay naitala ang kanyang seventh WSC title. Labis ang papuri niya sa WSC organizers sa “fair fights and clean competition” kung kaya tiwala ang mga mananabong na lumahok sa tinaguriang “gentleman’s sport.”
“The World Slasher Cup 2 dates are as follows: 2-cock Eliminations from May 6 to 7; 3-cock Semis on May 8 and 9; and 4-cock Pre-Finals and 4-cock Finals on May 11 and 12, respectively. WSC 2 will have a one-day break on May 10,” pahayag muli ng organizer ng WSC.