HINDI makalilimutan ng folk singer at acoustic one woman band na si Queen Rosas si Kaka Freddie Aguilar na nagbinyag sa kanya ng dating pangalan na Jackie A, na nakagawa siya ng dalawang album.
Si Ka Freddie rin daw ang nag-welcome sa kanya sa mundo ng mga folk artist, at very thankful siya sa nasabing ama ng musika at OPM icon. Hanggang ngayon ay nasa music industry pa rin siya at patuloy na kumakanta nang regular every Saturday sa Bamboo Giant sa Taft Ave., corner San Andres St., Malate, Maynila at sa Brad And Pit Steakhouse na located naman sa East Capitol, Mandaluyong.
Bukod riyan, hit din sa Youtube ang original composition ni Queen ng “Pusong Salawahan” na libo-libo na ang views at sumali na rin sa singing talent search sa isang noontime show na hinangaan ang version niya ng “Mr. Kenkoy” nina Rico J. Puno at Rey Valera.
Sa darating na April 25, 7:00 p.m. onwards ay si Queen ang banner artist para sa Concert For A Cause na gaganapin sa Perlies Garden and Restaurant (Eliptical Road between Lung and Kidney Center) At ilan sa mga magiging guests niya rito ay sina Jograd DelaTorre, J Brothers, The Beatols, at marami pang iba.
May panawagan si Queen para sa kapwa musikero na pupunta sa show, puwede nilang i-display sa stage ang mga ibinebenta nilang mic, gitara, at painting. “Ngayon pa lang ay buong puso ko nang pinasasalamatan ang lahat ng mga artist na nag-commit na magpe-perform sa aming concert for a cause. Dalawa sa gusto kong pasalamatan ang grupong Beatols na tumutulong nang walang kapalit at ang aking bossing na si MElROM at sa lahat ng mga taong kasama ko sa pagbuo ng proyektong ito.
“Sa mga dadalo ay sinisiguro namin na mag-e-enjoy kayo sa aming palabas lalo sa mahihilig sa rock
and folk songs,” paniniguro ni Queen Rosas.
Ia-announce ni Master Jograd at ng J Brothers ang benepisyong makukuha ng mga musikero sa mismong show nila.
Sa mga nais bumili ng ticket, puwede kayong tumawag sa mobile phone number 0939-2739722.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma