Friday , November 22 2024

Pagkatapos ng maraming dekada… CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG dahil burara at pabaya sa kanyang tungkulin

SA wakas, pagkatapos ng maraming panahon, sa administrasyon ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay inasunto na rin ang ilang dekadang ‘kapabayaan’ ni Chairwoman Ligaya Santos sa kanyang tungkulin na panatilihing ligtas, malinis at maayos ang lugar na kanyang kinasasakupan kabilang ang pinagpupugayang liwasan na ipinangalan kay Gat Andres Bonifacio.

Sinampahan si Ch Santos nitong Biyernes ng kasong administratibo dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila.

Si Santos, 77-anyos, ay sinabing notoryus sa kapabayaan kaya nanatiling ang Lawton ay ilegal na pinaparadahan ng mga bus, UV Express at ang ilan ay sinabing kolorum na van, at laganap din ang illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Sinabi ng MMDA sa kanilang reklamo, si Santos ay  hindi nakikipagtulungan sa kampanya ng gobyerno laban sa illegally-parked vehicles at iba pang road obstructions.

Inihain laban kay Santos ang reklamong neglect o dereliction of duty sa Department of Interior and Local Government (DILG). Siya ay kasalukuyang punong barangay ng Barangay 659-A, Zone-71, District V ng Maynila.

Mismong si MMDA acting general manager Jose Arturo Garcia, Jr., ang naghain ng asunto sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Dino laban kay Santos bunsod ng pagkabigong panatilihin ang kaayusan sa area ng Lawton, sa harap mismo ng Philippine Postal Office.

Nitong nakaraang taon, naglunsad ng operasyon ang MMDA para linisin ang illegal transport terminal at road obstructions ngunit pinabayaan umano ni Santos na magsibalikan sa nasabing lugar ang illegal vendors at mga sasakyan na pumaparada nang ilegal gaya ng bus, UV Express at sinabing mga kolorum na van.

“It was determined that Barangay 659-A Zone 71 had not complied with their obligation under the turn-over agreement. It was found out that obstructions were still existing or have returned at the said roads and roads-right-of-way without the barangay having prevented the same,” ani Garcia sa kanyang complaint-affidavit.

Ibig sabihin ba nito ay magiging maaliwalas na ang Lawton at hindi na aalingasaw ang bantot?!

Naku, maraming mapuputulan ng kaligayahan kapag nagkataon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *