ISANG fan na nasa venue rin ng pinangyarihan ng controversial tapik issue ni Nadine Lustre ang nagsabing hindi nakapag-enjoy ang aktres at si James Reid dahil sa rami ng nagpapa-piktyur sa kanila.
Pagtatanggol nito, ”I was there po and that night ‘di na talaga sila makapag-enjoy kasi super daming gustong magpa-picture.
“Nagtago na nga lang sila sa sulok pero talagang maraming makulit. Marami silang pinagbigyan.
“’Yung iba naman kasi pa-ulit-ulit tapos talagang makulit na kay James.
“I’m not a big fan, pero nakaiinis pala ‘pag alam mo ‘yung nangyari tapos ‘yung iba super bash tapos may sariling story. Nakakaloka.
“Pinakiusapan sila in a nice way na tama na, niyong mga kasama ko pero ayaw makinig.
“Nagtago na nga si James sa dulo pero marami pa rin ang makulit. Paano naman sila mag e-enjoy,” pagtatapos ng fan.
MATABIL
ni John Fontanilla