Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Kulelat sa senatorial race

NGAYON pa lang, makikitang walang kapana-panalo ang mga senatorial bet ng PDP-Laban lalo na ang mga pinangalanang politiko ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez base na rin sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ang nakagugulat, sa kabila ng mga press releases ni Bataan Rep. Geraldine Roman, kulelat siya sa 58 na pangalang lumabas sa survey na ginawa nitong nakaraang 23-28 Marso 2018.

Hindi rin kinakitaan ng magandang resulta sa nasabing survey si Presidential Spokesman Harry Roque, Davao City Rep. Karlo Nograles at Negros Occidental Rep. Albee Benitez. Ang masakit, hindi man lang din nabanggit sa survey sina Maguindanao Rep. Zajid Mangundadatu at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Talaga bang dahil kay Alvarez at sa kayabangan niya, kaya hindi umaangat sa survey ang kanyang mga pinangalanang tatakbo sa Senado sa darating na 2019 midterm elections?

Pati si Senate President Aquilino Pimentel III ay mukhang nangangarap din nang sabihin na kabilang sa mga senador na tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban ay sina  Senator Grace Poe,  Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito at Sonny Angara.

Bakit, nakasisiguro ba si Pimentel na tatakbo ang mga tinukoy niyang senador sa PDP-Laban? Maaari siguro kung mapapatino niya si Alvarez at titigil sa kanyang pagiging arogante, posibleng tumakbo ang mga nasabing reelectionist sa ticket ng PDP-Laban.

At mismong si Pimentel, kahit na pumasok pa sa Magic 12, ay namemeligro pa rin dahil sa kinakaharap niyang kuwestiyong legal kung siya nga ay makatatakbo sa darating na halalan. Problemado pa rin kasi ang kanyang termino sa Senado dahil nanalo lamang siya sa protesta laban kay Senator Migz Zubiri.

Pati ang maiingay na mga kongresista sa Kamara ay pawang kulelat din sa survey ng Pulse Asia. Itong si Rep. Gary Alejano ng Magdalo party-list group ay nasa 42 puwesto at Teddy Baguilat, Jr., naman ay ika-51 sa listahan.

Ang  mga makakaliwang grupong politiko rin ay nasa huling puwesto gaya nina dating Rep. Neri Colmenares na nasa ika-33 puwesto;  Rep. Antonio Tinio at Ka Paeng Mariano ay magkasunod sa 48 at 49 na puwesto.

Sina Walden Bello at Judy Taguiwalo ay nasa hulihan din ng survey at nasa pang-54 at 55 na puwesto. Ang nakatatawa rito ang mapapel na si dating Rep. Erin Tañada ng Liberal Party ay kulelat din at nasa ika-45 na puwesto.

Kaya nga, sa mga nagbabalak na tumakbo sa Senado sa 2019 midterm elections, mag-isip-isip muna kayo, kung wala rin lamang ang mga pangalan ninyo sa “magic 12” o kaya man lang sa top 15, ay wala na kayong panalo. E, wag na kayong lumahok sa darating na pambansang elek­siyon.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *