MATINDI raw ngayon ang tsikahan sa lahat ng sulok ng Bureau of Immigration (BI) main office na isa raw pala si bagong talagang Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga aktibong nag-o-oppose noon para maibalik ang OT pay para sa kagawaran.
OMG!
Ayon sa ilan nating nakapanayam, noon daw kasagsagan ng balitaktakan sa palasyo ng Malacañang, kasama raw sa grupo ni DBM Secretary Ben Joke-no ‘este Diokno at Executive Secretary Salvador Medialdea si SOJ Guevarra na mariing dumedepensa para HINDI ipagkaloob ang naligwak na overtime pay ng BI employees.
OMG again!
Paano na lang kung totoo ang balitang ito?
Ibig bang sabihin ay mababalewala ang mahigit dalawang taon na pagpupunyagi para maibalik ang nasabing benepisyo?
Paano ang naunang pronouncement ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na pag-veto niya sa provisions ng 2018 General Appropriations Act?
Hindi ba kasama sa mga provisions ng 2018 GAA ang muling pagkolekta ng Express Lane Fees para sa itatayong Trust Fund ng BI na pagkukuhaan ng OT?
Paano ngayon ang gagawin kung mismong ang kauupo na ama ng DOJ ay hindi ‘swak’ sa kanyang paniniwala ang pagbabalik ng OT sa ahensiya?
Paano rin kung gayon ang ilang buwan at milyones na koleksiyon ng ELF-OT na sinimulan noong unang buwan ng 2018?
Saan ito mapupunta ngayon kung sakali?
Tsk tsk tsk!
Talagang nakaaalarma ang balita kung ito ay totoo man.
Baka dahil dito ay muli na namang magkaroon ng ‘EXODUS’ sa hanay ng immigration officers (IOs) sa BI main office at sa mga airport.
Wattafak!
Sana naman ay hindi totoo ang balitang ito.
Ngunit masyado pang maaga para i-judge natin si SOJ Guevarra.
Alalahanin na maituturing na niya ngayong kapamilya ang BI.
Kung noon ay kalaban ang tingin niya sa mga nangungulit tungkol sa OT, baka naman ngayon iba na ang kanyang mundong ginagalawan at bigla rin magbago ang kanyang paniniwala at pananaw tungkol sa isyung ito.
Let us give him the chance to prove his worth, sabi nga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap