Saturday , November 16 2024
knife saksak

Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 53-anyos negosyante at kanyang anak na buntis makaraan pagsasaksakin  ng hinihinalang drug addict na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang si Melinda Bati, buy and sell agent, at kanyang buntis na anak na si Maikee Benito, 23, kapwa residente sa Capt. D. Rico St., Area C, Brgy. 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Habang kinilala ang suspek na si Jose Da-yan-Dante, Jr., 40, nakatira sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City, agad nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Ayon kay Caloocan North Extension Office (NEO) PO1 Dennis Cano, dakong 12:45 am, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang sapi-litang pumasok ang suspek na armado ng ice pick at inundayan ng saksak sa katawan si Bati.

Nang tangkang umawat ni Benito ay pinagsasaksak din siya ng suspek sa kanyang likod.

Nang malaman ng mister ni Benito na si Jordan ang pangyayari, agad siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-5) na nagresulta sa pagkakaaresto suspek, na umano’y bangag sa ilegal na droga.

Posible umanong nagalit ang suspek sa kanyang tiyahin nang hindi pahiramin ng pera na pambili ng shabu. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *