Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, walang makatambal

NOONG pumayat si Sharon Cuneta at sabihin niyang nakahanda na siyang muling humarap sa camera at gumawa ng pelikula, wala namang nakitang problema ang mga tao. Kasi iyon lang naman talaga ang problema ni Sharon noong araw, nagpabaya siya hanggang sa tumaba na siya at wala na ngang magawang role para sa kanya. Malabo namang gamitin mo ang kanyang katabaan at gawin siyang isang comedian. Remember, isang megastar at kinikilalang mahusay na aktres din si Sharon.

Noon pa lang simula, usap-usapan na ngang siguro magiging malaking hit ang kanyang comeback kung makakatambal niyang muli ang dating asawang si Gabby Concepcion. Noon namang mga panahong iyon sinasabi ni Gabby na walang problema sa kanya dahil gusto rin niyang pagbigyan ang kanilang fans. Si Sharon ang bantulot noong una, at sinasabi niyang baka kung ano pang tsismis ang mabuo kung magkakasama silang muli, at nahihiya siya sa kanyang asawa.

May sinasabi pa nga si Sharon noon na kung hindi si Gabby, nandiyan naman ang iba niyang mga nakatambal noong araw na sina Richard Gomez na noon ay aktibo pa bilang actor. Si Aga Muhlach. Si Robin Padilla, at marami pang iba.

Hindi nga sila natuloy ni Gabby. Pero hindi na rin puwede si Goma dahil naging mayor ng Ormoc at marami siyang ginagawang trabaho roon. Hindi rin ubra si Aga. Habang naghihintay, gumawa ng indie si Sharon na alam naman na naging flop sa takilya. Tapos gumawa sila ng pelikula ni Robin na masasabi ngang sa kabila ng media hype, hindi rin umabot sa expected results.

Kasunod niyon gumawa sila ng commercial ni Gabby, na hindi pa man nailalabas sa telebisyon, pinag-uusapan na at inabangan ng fans. Umabot ng milyon ang hits niyon sa internet. Kung iyon ay isang pelikula at ganoon karami ang nanood, malaking hit na pelikula iyon. Pero in the end, sumabit na naman ang movie project.

Marami pa rin ang naniniwala na si Gabby ang kailangang makatambal ni Sharon, para makabalik siya sa rati niyang popularidad. Pero mukha nga yatang malabo nang mangyari iyon sa ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …