Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raptors abante ng 2-0 sa EC playoff

TINAPATAN ni DeMar DeRozan ang kanyang career playoff-high na 37 points upang akayin ang Toronto Raptors sa 130-119 panalo laban sa Washington Wi­zards kahapon sa Game 2 ng 2017-18 National Basketball Association, (NBA) best-of-seven playoff.

Bumakas si Jonas Valanciunas ng 19 puntos at 14 rebounds para sa Raptors na itinarak ang 2-0 playoff series sa kauna-unahan sa franchise history, nagtala rin si Kyle Lowry ng 13 markers at career playoff-high 12 assists.

Tumikada ang Toronto ng team playoff record 16 3-pointers noong Sabado, nakapagtala lang sila ng 12 of 32 sa long range sa Game 2, isa lang ang nasalpak sa second half.

Namuno sa opensa para sa Wi­zards si John Wall na may 29 puntos, 20 ang kinana ni Mike Scott habang may 14 puntos  si Ty Lawson.

Dadayo ang Raptors sa Washington sa Sabado para sa Game 3.

Tumapos si Wizards guard Bradley Beal ng nine points.

Naghahabol ng 10 sa pagbubukas ng fourth quarter 90-100, tinap­yasan ito ng Wizards sa lima, 103-108 may 7:52 minuto na lang ang nalalabing oras.

Pero napigilan ang pag-arangkada ng Washington matapos isalpak ni Raptors guard CJ Miles ang long 3.

Kailangan ng Wizards na manalo sa susunod nilang laban upang manatili silang buhay sa inaasam na pagsampa sa susunod na phase.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …