Monday , December 23 2024

Quo warranto vs Sereno kaninong ideya?

SINO nga ba ang nasa likod ng pagpapatalsik kay on leave chief justice Maria Lourdes Sereno? Si Pangulong Rodrigo R. Duterte ba?

Kung ang kampo ni Sereno ang tatanungin, ang Pangulo o ang Palasyo ang kanilang pinaghihinalaan nilang nasa likod ng lahat. Pinabulaanan at pinagtawanan lang ng Palasyo ang akusa­syon ng kampo ni Sereno.

E, sino nga ba ang nasa likod ng lahat – impeachment process at ngayon naman sa pama­magitan ng quo warranto?

Sa huling proseso – ang quo warranto, lalong naghinala ang kampo ni Sereno na may kinalaman ang Palasyo dahil ang abogado ng gobyerno ang nagsampa ng reklamo laban kay Sereno sa Supreme Court –  si Solgen Jose “Joe” Calida.

Pero uli, itinanggi ng Palasyo na inutusan nila si Calida.

Ano pa man, totoo ngang si Calida ang nagsampa ng quo warranto sa SC laban kay Sereno pero sino nga ba ang tunay na may ideya sa paraang quo warranto para sa madaliang paraan ng pagpatalsik kay Sereno?

Sino ba ang nagbigay ng ideya kay Calida?

Ang may ideya pala ng paraang quo warranto ay si Atty. Manuelito Luna ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Ganoon ba?

So, ang dapat pala kay Luna magalit ang kampo ni Sereno at hindi kay Pangulong Digong.

He he he…

Sinabi ni Atty. Luna, walang kinalaman si Pa­ngulong Duterte sa pagsusumite ng quo warranto petition laban kay (tinatawag niyang) de facto chief justice Maria Lourdes PA Sereno.

“Sereno is hitting the president to divert public attention from her noncompliance with the Constitution’s bedrock requirement of proven integrity,” pahayag ni Luna.

Si Luna ang may ideya at nagpursigi ng quo warranto pero ito ay kanyang ipinasa  sa kanyang kliyente na si Atty. Eligio Mallari, pangulo ng Vanguard of the Philippine Constitution Incorporated (VPCI).

Kung baga, si Luna ang nag-conceptualize at nag-research hinggil sa quo warranto – siya rin ang gumawa ng draft at nag-file ng letter request ni Mallari noong 21 Pebrero 2018 upang himukin ang Office of the Solicitor General (OSG) na simulan ang pag-hahain ng quo warranto proceeding laban kay Sereno.

Hayun, marahil nang makita ni Solgen na ubra ang ideya o suhestiyon ng dalawang abogado, agad niyang tinugunan ang pagsusumite ng petisyon sa Korte Suprema noong Marso 5, 2018.

Samantala, nanindigan kamakailan sa isinagawang oral argument sa Baguio City si SolGen Calida na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa quo warranto case na inihain niya laban kay Sereno.

Iyon naman pala, hindi ang Palasyo, hindi rin si SolGen (bagamat siya ang nagpasa ng petition sa SC para sa quo warranto laban kay Sereno) kung hindi sina Luna at Mallari ang nasa likod ng lahat.

Katunayan, maging si Solgen ay nagsabi rin walang kinalaman ang Pangulo. Sinabi ito ni SolGen nang igisa siya ni SC Associate Justice Marvic Leonen sa isinagawang court proceeding- oral argument sa SC Baguio City kamakailan para sa huling pagdinig para quo warranto petition  laban kay Sereno.

Hindi rin kinonsulta ni Calida ang Senado at Kamara sa paghahain ng quo warranto.

Ngayon, malinaw na ang lahat kung bakit lalong nagalit ang Pangulo sa kampo si Sereno.

Pagbibintangan ka ba naman… naturalmente, magagalit ka…lalo na’t wala ka talagang kinalaman.

Uli, ang mga ideya pala ng lahat ay si Atty. Luna…at Atty. Mallari, kayo pala ang may kinalaman ng lahat ha – sa quo warranto petition laban kay Sereno.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *