Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad at multo sa panaginip

To Señor,

Sir, ask ko lang lagi kse aq nananaginep na lumilipad aq pero mababa lang tas namn mnsan nnnginep ako about sa multo. Sana ay masagot n’yo po, salamat, I’m Janet (0990958887)

 

To Janet,

Maraming nakararanas ng ganitong panaginip ang nagsasabi na ang experience na ito ay maihahalintulad bilang exhilarating, joyful, at liberating na karanasan. Kung maayos ang paglipad mo at na-enjoy mo ang magagandang tanawin pati na ang landscape sa ibaba, ito ay nagsasaad na kontrolado mo ang sitwasyon sa iyong buhay. Ito ay maaari rin namang nagsasabi na ikaw ay nagkaroon o nagkakaroon ng ibang perspektibo sa ilang mga bagay-bagay.

Ito ay maaaring nagpapahayag ng kontrol mo sa iyong sariling sense of power. Kung ikaw naman ay nahihirapan sa paglipad, nagsasabi ito na dadaan ka sa ilang struggles o pag­subok. May mga balakid na mararanasan, maaaring ito ay babala mula sa isang tao na magiging daan upang mahadlangan ang mga inaasam mo sa buhay. Kailangang alamin o malaman mo kung ano ang mga bagay na nagiging sanhi upang ikaw ay umabanse.

Kung ikaw naman ay natakot habang lumi­lipad sa panaginip mo, ito ay nagsasaad na takot ka sa mga pagsubok at sa pagharap sa tagumpay. Ang isa pang interpretasyon ng panaginip na lumilipad ay pagkamit mo sa kalayaang ina­asam na sa ilang pagkakataon ay inakala mong hindi posible o mailap sa iyo.

Ang panaginip hinggil sa multo ay sumisimbolo sa

aspekto ng iyong sarili na kinatatakutan mo. Maaaring may kaugnayan ito sa painful memory, guilt, o ilang repressed thoughts. O kaya naman, ikaw ay natatakot sa patay o kamatayan. Alternatively, ang multo ay nagre-represent din ng isang bagay na hindi na maaaa­ring makamit o within reach.

Ito ay nagsasaad din na ikaw ay nakadarama na disconnected ka sa buhay at lipunan. Posible rin na ito ay isang panawagan sa iyo para mag-move-on at iwanan na ang makalumang pamamaraan ng pag-iisip at pag-uugali. Kung multo ng kaibigan o kamag-anak naman ang nakikita mo sa iyong bungang-tulog, may kaugnayan ito sa guilt at pagsisisi ukol sa nakalipas na relasyon sa mga partikular na taong namayapa na.

Dapat alisin mo sa iyong sistema ang mga negatibong damdamin at kaisipan, at palitan ito ng positibo. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …