Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
bong revilla jr

Bong, lalaya na

MAY umugong na balita, na baka raw sa susunod na buwan ay payagan nang makapaglagak ng piyansa si Bong Revilla. Ibig sabihin makalalabas na siya sa Crame matapos ang apat na taong pagkakakulong. Kung kami ang tatanungin mabuting balita iyan.

Kasi sinasabi nga nila na basta nakalabas si Bong, babalikan niya ang paggawa ng pelikula. Baka sakaling si Bong ang muling makabuhay ng action movies. Kaya naman namatay iyang action movies eh dahil nawala na ang malalakas na action stars, at tila tinabangan ang fans nang halos magkasunod na nawala sina FPJ at Rudy Fernandez. Nagkaroon nga ng void.

Si Bong naman at that time, busy sa politika. Kung ngayon ay babalikan na niya ang pelikula at makagagawa siya ulit ng mga mahuhusay na action pictures na kagaya ng ginagawa niya noong araw, baka magkaroong muli ng buhay ang action, at nang hindi lang puro comedy ang kumikita ng malaki.

Isang malakas na action star lang talaga ang kailangan natin para mabuhay ang action genre sa pelikulang Pilipino. Hindi iyang kagaya ng mga gumagawa ng action movies ngayon na parang wala sa ayos. Parang mga kulang ang arte.

Action nga lelembot-lembot naman. Sino nga ba ang manonood sa mga iyan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …