Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Barangay narco-list nasaan na?

MARAMI na ang naghahanap ng barangay narco-list na sinabi kamakai­lan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kanilang ilalabas sa publiko.

Ang siste, nagsimula na’t lahat ang Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections pero wala namang naglabas ng listahan.

Nasaan ang barangay narco-list na sinabing ilalantad para maging gabay ng constituents sa kanilang pagboto?

Kaya hanggang ngayon, nagtatanong ang mga tao. Sino ang maglalabas, ano ang hitsura ng opisyal na listahan, at ang ilalabas bang lista­han ay convicted na notorious sa ilegal na droga?!

Kung hindi naman convicted, ano ang magiging basehan?!

Hindi ba puwedeng magsampa ng kaso ang inilagay sa listahan kung wala naman silang conviction?!

O hindi kaya gamitin ng magkalaban sa kanilang kampanya ang paninira na sangkot sa ilegal na droga si kandidatong ganoon at si kandidatong ganito?

Tila lalong naging masalimuot ang pronouncement na gaya nito kaya lalong nagkakagulo sa hanay ng mga kandidato.

Sa local constituents, ang masasabi natin, kilala ninyo kung sino ang mga sangkot sa ilegal na droga kaya huwag kayong magpadala sa panunuhol nila ng kuwarta.

Iboto ninyo ang mga karapat-dapat at ibasura ang mga sangkot sa ilegal na droga.

P5-MILYON IPINATALO
NI CONG SA 10th NCA
6-COCK DERBY SA YNARES
SPORTS COMPLEX

HINDI naman ganoon kaunlad ang lalawigan na pinagmulan ni Mr. Congressman.

Pero nakapagtatangkang nakapagpatalo siya ng P5 milyon sa 10th NCA 6-Cock Derby sa Ynares Sports Complex kamakailan.

Kaya ba ninyong hulaan kung sino si Cong?!

Kung hindi man namataan si Congressman sa Ynares, ‘yan ay dahil may tinatawag na ‘telephone betting.’

Sa telepono lang puwede nang tumaya.

Ang galing ni Cong!

Kuha n’yo na ba?

Siyanga pala, kinakatawan ni Mr. Congressman ang isang lalawigan sa Mindanao.

Malapit na siguro ninyong mahulaan…

Pero ang malupit na clue, may kapatid din na mambabatas si Cong.

Kaya kompleto ang representasyon ng pa­milya ‘este ng lalawigan nila sa Kongreso, mayroon sa itaas at mayroon sa ibaba.

Give away na ‘yang clue na ‘yan, palagay natin ‘e gets na gets n’yo na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …