MAY mga nakakuwentuhan kaming avid followers ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon. Tanong niya, bakit umabot sa sukdulan ang mga imposibleng bagay na gustong mangyari ng magaling na singer sa kanyang katawan?
Ang hinahanap-hanap nila ay ‘yung dating Charice na isang promising singer sa ABS-CBN. Pero bakit ngayon iniiba niya ang kanyang porma? Hindi nila ma-take o matangggap na may pa-bukol epek pang ipinararamdam sa kanyang harapan.
Nagbibiro tuloy ‘yung ibang fans, parang nakatatakot ‘yung gustong mangyari ni Charice dahil baka naman bumuka ang lupa kapag nagkaganoon. Sana manatili na lang simple, tutal boses niya ang hinangaan at hindi ang bagong porma ng katawan.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales