Monday , December 23 2024

SAP Bong Go ramdam ang OFWs

KUNG hindi pa alam ng ating mga suki, si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go ay laging nakaalalay sa marami nating kababayan kahit noong Mayor pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

At kahit nga nitong nasa Gabinete na siya ni Tatay Digs, patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagtulong lalo sa overseas Filipino workers (OFWs).

Isang karanasan nga natin dito nang mag-request tayo ng assistance para sa isang OFW sa Abu Dhabi na sumusuka na ng dugo dahil isang beses lang pinapakain ng kanyang amo kaya nagkaroon ng gastrointestinal problem.

Aba halos isang araw lang, e na-rescue na agad ng POLO (Philippine Overseas Labor Office) Dubai at nadala na sa doktor para lapatan ng kaukulang lunas.

Sa tulong naman ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello ay agad naisaayos ang papeles para makauwi sa bansa.

Pagdating na pagdating nga ng nasabing OFW ay nagpasalamat siya kay Secretary Bello pero hindi na nagpatawag ng media si Sec. Bello.

Hindi na kailangan i-press release para ipaalam sa sambayanan na tumutulong si SAP Bong Go sa abot ng kanyang makakaya sa tulong na rin ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

Para kay SAP Bong Go, tinututukan niya ang mga ahensiya para hindi na magpata­wing-tawing sa pag-alalay sa mga kababayan natin.

Gaya nga ng ginawa niya nitong nakaraang magpunta sila sa Hong Kong. Talagang nakipag-usap sila sa ilang grupo ng mga OFW roon lalo na ‘yung may mga problema sa kanilang employment at kondisyon.

Kaya ‘yung mga labor attache at DFA officials na dati ay palamig-lamig at pakaang-kaang lang sa kanilang opisina sa ibang bansa, ngayon hindi na puwede ang mga ginagawa nila.

Kailangan na silang magtrabaho at tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng ating mga OFW lalo sa Middle East na notorious ang rekord sa pang-aabuso.

Ngayon ay matinding nakatutok si SAP Bong Go sa mga notorious na bansa na ‘yan gaya sa Kuwait.

Hindi tayo manghihinayang na ibigay ang ating thumbs up para kay SAP Bong patungo sa Senado.

Tunay na pagbabago i-BONG GO sa Senado!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *