KUNG hindi pa alam ng ating mga suki, si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go ay laging nakaalalay sa marami nating kababayan kahit noong Mayor pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
At kahit nga nitong nasa Gabinete na siya ni Tatay Digs, patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagtulong lalo sa overseas Filipino workers (OFWs).
Isang karanasan nga natin dito nang mag-request tayo ng assistance para sa isang OFW sa Abu Dhabi na sumusuka na ng dugo dahil isang beses lang pinapakain ng kanyang amo kaya nagkaroon ng gastrointestinal problem.
Aba halos isang araw lang, e na-rescue na agad ng POLO (Philippine Overseas Labor Office) Dubai at nadala na sa doktor para lapatan ng kaukulang lunas.
Sa tulong naman ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello ay agad naisaayos ang papeles para makauwi sa bansa.
Pagdating na pagdating nga ng nasabing OFW ay nagpasalamat siya kay Secretary Bello pero hindi na nagpatawag ng media si Sec. Bello.
Hindi na kailangan i-press release para ipaalam sa sambayanan na tumutulong si SAP Bong Go sa abot ng kanyang makakaya sa tulong na rin ng ibang ahensiya ng pamahalaan.
Para kay SAP Bong Go, tinututukan niya ang mga ahensiya para hindi na magpatawing-tawing sa pag-alalay sa mga kababayan natin.
Gaya nga ng ginawa niya nitong nakaraang magpunta sila sa Hong Kong. Talagang nakipag-usap sila sa ilang grupo ng mga OFW roon lalo na ‘yung may mga problema sa kanilang employment at kondisyon.
Kaya ‘yung mga labor attache at DFA officials na dati ay palamig-lamig at pakaang-kaang lang sa kanilang opisina sa ibang bansa, ngayon hindi na puwede ang mga ginagawa nila.
Kailangan na silang magtrabaho at tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng ating mga OFW lalo sa Middle East na notorious ang rekord sa pang-aabuso.
Ngayon ay matinding nakatutok si SAP Bong Go sa mga notorious na bansa na ‘yan gaya sa Kuwait.
Hindi tayo manghihinayang na ibigay ang ating thumbs up para kay SAP Bong patungo sa Senado.
Tunay na pagbabago i-BONG GO sa Senado!
NAMAMAYAGPAG
NA ‘CORRUPTION’
SA BARANGAY
WALISIN NANG
TULUYAN
HINDI naman natin nilalahat.
Alam nating sa mga naghahangad ng puwesto sa barangay, mayroon diyan na taos-pusong maglilingkod at hindi nag-iisip ng mga ‘pitsaan.’
Pero mas marami ‘yung mga nag-iinteres lang sa milyones na Internal Revenue Allotment (IRA) lalo na doon sa malalaking barangay at may malalaking business establishments na nasasakupan.
Malaking IRA ‘yan ha!
At balita nga natin ‘e tataasan at bibigyan pa ng subsidy para makatulong daw sa kalagayan ng barangay officials na silang nagpapasan ng mga “nitty-gritty” sa pagpapatakbo ng local government units (LGUs).
Aba, kung inaakala ninyong mahirap ang trabaho ng mga Pamahalaang Panglungsod o Sangguniang Panglungsod, ang mga barangay official, sila ang araw-araw na humaharap sa mga tinatawag na ‘petty problems’ ng mga constituents.
‘Yun bang walang pangkain, pupunta sa barangay; magpapa-enrol ng anak, pampagamot, hihingi ng tulong sa barangay; nagkakaliwaang mag-asawa magmumurahan sa barangay; at iba pang mga usaping pambarangay na napakasakit sa ulo.
Ilan lang ‘yan sa mga problemang pambarangay.
Pero may tip naman si Mayor Erap. Huwag daw iboto ang mga barangay official na mayroong korupsiyon lalo na raw ‘yung sangkot sa ilegal na droga.
Tama naman po riyan si Mayor Erap.
Tumingin-tingin lang kayo sa paligid, Mayor Erap, huwag na ninyong itanaw pa sa malayo.
Diyan lang po sa pali-paligid ninyo ay punong-puno ng illegal terminals, illegal vendors at nag-lipanang snatcher o tutok-kalawit.
Bakit hindi masawata ng sangguniang barangay ‘yan na kakarampot ang constituents?!
E kasi nga po, coddler ng mga ilegalista!
Nandiyan lang po sila, Mayor Erap, malapit lang sa Manila city Hall.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap