Monday , December 23 2024
Manila brgy

Namamayagpag na ‘corruption’ sa barangay walisin nang tuluyan

HINDI naman natin nilalahat.

Alam nating sa mga naghahangad ng puwesto sa barangay, mayroon diyan na taos-pusong maglilingkod at hindi nag-iisip ng mga ‘pitsaan.’

Pero mas marami ‘yung mga nag-iinteres lang sa milyones na Internal Revenue Allotment (IRA) lalo na doon sa malalaking barangay at may malalaking business establishments na nasasa­kupan.

Malaking IRA ‘yan ha!

At balita nga natin ‘e tataasan at bibigyan pa ng subsidy para makatulong daw sa kalagayan ng barangay officials na silang nagpapasan ng mga “nitty-gritty” sa pagpapatakbo ng local government units (LGUs).

Aba, kung inaakala ninyong mahirap ang trabaho ng mga Pamahalaang Panglungsod o Sangguniang Panglungsod, ang mga barangay official, sila ang araw-araw na humaharap sa mga  tinatawag  na ‘petty problems’ ng mga constituents.

‘Yun bang walang pangkain, pupunta sa barangay; magpapa-enrol ng anak, pampagamot, hihingi ng tulong sa barangay; nagkakaliwaang mag-asawa magmumurahan sa barangay; at iba pang mga usaping pambarangay na napakasakit sa ulo.

Ilan lang ‘yan sa mga problemang pambarangay.

Pero may tip naman si Mayor Erap. Huwag daw iboto ang mga barangay official na mayroong korupsiyon lalo na raw ‘yung sangkot sa ilegal na droga.

Tama naman po riyan si Mayor Erap.

Tumingin-tingin  lang  kayo sa paligid, Ma­yor Erap, huwag na ninyong itanaw pa sa malayo.

Diyan lang po sa  pali-paligid ninyo ay punong-puno ng illegal terminals, illegal vendors at nag-lipanang snatcher o tutok-kalawit.

Bakit hindi masawata ng sangguniang barangay ‘yan na kakarampot ang cons­tituents?!

E kasi nga po, coddler ng mga ilegalista!

Nandiyan lang po sila, Mayor Erap, malapit lang sa Manila city Hall.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *