Thursday , December 26 2024

AC Aimee Neri nagpaalam na sa Bureau of Imigration

ISANG malungkot na balita.

Nag-resign na pala sa Bureau of Immigration (BI) si Associate Commissioner Aimee S. Torrefranca – Neri.

Personal ang dahilan ng kanyang pagbibitiw  at bilang isang tunay na public servant, hindi niya maatim na makasagabal ang kanyang personal na bagahe sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin at sa pagli­lingkod sa bayan.

Para sa mga suki natin na hindi masyadong pamilyar sa BI, si Asso­ciate Commissioner Neri po ang isa sa mga humarap sa Senado at sa Palasyo para ipaglaban na ibalik ang overtime pay ng mga kawani at empleyado sa nasabing ahensiya.

Hindi eksaherasyon kung ikakapit pa natin ang mga salitang tumutok, nagsaliksik at naghanap ng mga legal na basehan para pagsaligan ng kanilang apela na ibalik ang OT pay sa BI.

Kumbaga, nasa dulo na ng daliri at malapit nang maabot ang tagumpay lalo’t kasama sa mga nakipaglaban at todong-suportado ni resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagbitiw nga si ex-Secretary Vit at inihalili ang ngayo’y si Secretary Menardo Guevarra.

Hindi popular si Secretary Guevarra sa masa, pero pamoso siya sa elite academy world dahil sa kaniyang academic achievements.

Pero putok din ang pangalan niya sa mga taga-BI dahil isa umano siya sa matitinding tumututol na ibalik ang overtime pay para sa mga kawani at mga empleyado ng ahensiya.

Kumbaga, noong maitalaga si Secretary Guevarra biglang ‘kumulimlim’ ang pagbubukang-liwayway at mukhang masasalanta pa ng unos ang ‘munting pag-asang’ kinapitan ng mga taga-BI para maibalik ang kanilang overtime pay.

At mukhang isa ‘yun sa ikinadesmaya ni Associate Commissioner Neri na nadagdag sa kanyang personal baggage dahil trinabaho niya nang husto para maibalik ang overtime pay sa BI pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Anyway, that’s remains to be seen… nakalulungkot nga lang na tuluyan nang nag-resign si Madam Aimee.

Kaya nga ang sabi ng mga taga-BI, “Thank you Madam Aimee… salamat sa full effort at malasakit sa mga kawani at empleyado ng BI.”

Kasama kami sa mga nagdarasal na maalpasan ni Madam Aimee kung ano man ang kanyang pinagdaraanan ngayon.

Always remember… every cloud has a silver lining.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *