Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

AC Aimee Neri nagpaalam na sa Bureau of Imigration

ISANG malungkot na balita.

Nag-resign na pala sa Bureau of Immigration (BI) si Associate Commissioner Aimee S. Torrefranca – Neri.

Personal ang dahilan ng kanyang pagbibitiw  at bilang isang tunay na public servant, hindi niya maatim na makasagabal ang kanyang personal na bagahe sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin at sa pagli­lingkod sa bayan.

Para sa mga suki natin na hindi masyadong pamilyar sa BI, si Asso­ciate Commissioner Neri po ang isa sa mga humarap sa Senado at sa Palasyo para ipaglaban na ibalik ang overtime pay ng mga kawani at empleyado sa nasabing ahensiya.

Hindi eksaherasyon kung ikakapit pa natin ang mga salitang tumutok, nagsaliksik at naghanap ng mga legal na basehan para pagsaligan ng kanilang apela na ibalik ang OT pay sa BI.

Kumbaga, nasa dulo na ng daliri at malapit nang maabot ang tagumpay lalo’t kasama sa mga nakipaglaban at todong-suportado ni resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagbitiw nga si ex-Secretary Vit at inihalili ang ngayo’y si Secretary Menardo Guevarra.

Hindi popular si Secretary Guevarra sa masa, pero pamoso siya sa elite academy world dahil sa kaniyang academic achievements.

Pero putok din ang pangalan niya sa mga taga-BI dahil isa umano siya sa matitinding tumututol na ibalik ang overtime pay para sa mga kawani at mga empleyado ng ahensiya.

Kumbaga, noong maitalaga si Secretary Guevarra biglang ‘kumulimlim’ ang pagbubukang-liwayway at mukhang masasalanta pa ng unos ang ‘munting pag-asang’ kinapitan ng mga taga-BI para maibalik ang kanilang overtime pay.

At mukhang isa ‘yun sa ikinadesmaya ni Associate Commissioner Neri na nadagdag sa kanyang personal baggage dahil trinabaho niya nang husto para maibalik ang overtime pay sa BI pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Anyway, that’s remains to be seen… nakalulungkot nga lang na tuluyan nang nag-resign si Madam Aimee.

Kaya nga ang sabi ng mga taga-BI, “Thank you Madam Aimee… salamat sa full effort at malasakit sa mga kawani at empleyado ng BI.”

Kasama kami sa mga nagdarasal na maalpasan ni Madam Aimee kung ano man ang kanyang pinagdaraanan ngayon.

Always remember… every cloud has a silver lining.

‘THRESHOLD’ NG PET
KINUWESTIYON
NI VP LENI ROBREDO

NASA kamay ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kapalaran ni Vice President Leni Robredo at ang milyon-milyong Filipino na bumoto para sa kanya.

Noong April 5, 2018, nagsampa ng mosyon ang kampo ni Robredo na kumukuwestiyon sa threshold na ipinaiiral ng PET sa recount dahil doble ito kompara sa 25% threshold na ginamit ng Comelec noong 2016 elections.

Ang threshold ay tumutukoy sa minimum amount ng marka sa mga oval na pinagbabasehan ng Vote Counting Machine (VCM) bilang balidong boto.

Sa recount, iginiit ng PET na para maging va­lid vote, kailangang 50% ng oval ang minarka­han ng isang botante. Kaya kung wala pang 50% ang minarkahan sa balota, hindi ito bibilangin sa recount.

Lumalabas na ibinatay ito ng PET sa Rule 43 (l) ng 2010 PET Rules of Procedure na nagtakda ng 50% threshold. Minsan na itong ginamit ng Comelec noong 2010 elections pero nang sumunod na eleksiyon ay ibinaba ang threshold. Ang nakaaalarma rito ay mangangahulugan ito na mag-iiba ang makukuhang resulta ng PET kaysa aktuwal na resulta noong nagdaang eleksi­yon.

Nauna nang naiulat na nababawasan na ng boto sa kanyang baluwarteng Camarines Sur si Robredo gayong nasa dalawang linggo pa lamang ang recount.

Ito ang dahilan kaya iginigiit ni Robredo sa PET na maging consistent sa 25% threshold na ipinatupad ng Comelec noong eleksiyon. Nagsumite na ang kanyang mga abogado sa PET ng 2016 elections Random Manual Audit (RMA) Report na nakasaad na ipinatupad nga ng Comelec ang 25% threshold noong 2016 elections.

Sa kabila nito, nakapagtataka namang ibinasura ng PET ang mosyon ng Bise Presidente. Ayon sa resolusyon ng PET na may petsang April 10, 2018, hindi nila puwedeng ituring ang Random Manual Audit Guidelines and Report bilang katibayan na ito ang aktuwal na ginamit na threshold ng Comelec.

Sa desisyong ito, ang mga boto na dating balido sa ilalim ng 25% threshold ay itinuturing na lamang ng PET head revisors bilang stray votes. Ang masama nito, gusto ng PET na mismong ang Bise Presidente ang mahirapan sa pag-claim sa kanyang mga boto imbes ang natalo at naghahabol na kandidato na si Bongbong Marcos.

Ano na ngayon ang mangyayari sa boto ng milyon-milyong Pinoy? Ano na ang magiging kapalaran ng ating Bise Presidente? Makatarungan bang iasa na lamang ito nang buong-buo sa kagustuhan ng PET?

SOBRANG SIKIP
AT SOBRANG HABA
NG PILA SA NAIA
TERMINAL 2

BOSS Jerry, grabe ang sikip ng trapik at haba ng pila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon. Nagkasabay-sabay ang flight, kaya maraming pasahero ang sinusundo ng bus sa tarmac. ‘Yung mga dumating ng 6:30 pm, dakong 8:00  p.m. nakapila pa rin sa Immigration counter. Nang bila­ngin namin ‘yung mga IO, aba ‘e pito-katao lang?!

Paki-kol po ang atensiyon ni Secretary Tugade at GM Ed Monreal!

Thank you po Boss Jerry.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *