Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Rivera Sylvia Sanchez Hanggang Saan
Ariel Rivera Sylvia Sanchez Hanggang Saan

Pagtutuos nina Sylvia at Ariel abangan sa last 3 weeks ng “Hanggang Saan”

THREE weeks na lang o sa April 27 huling mapapanood ang “Hanggang Saan” na tinutukan ng maraming viewers nationwide. Ngayon pa lang ay may hint na sa teaser ng HS kung ano ang puwedeng gawin ni Jacob (Ariel Rivera) na nagbanta sa kanyang stepdaughter na si Anna (Sue Ramirez) na uubusin silang lahat kasama ang mag-inang Sonya (Sylvia Sanchez) at Attorney Paco (Arjo Atayde) at ang inaakalang patay nang partner sa buhay na si Jean (Teresa Loyzaga).

Napakalakas ng loob ni Jacob na nahuli na nang mga pulis, at kahit nakapiit sa bilangguan dahil sa kasong kriminal na nag-utos na ipapatay si Edward Lamoste (Eric Quizon).

Kaabang-abang ang magaganap na pagtutuos sa pagitan nila ni Sonya na pinagdusa ni Jacob nang mahabang panahon sa selda sa kabila ng pagiging inosente sa krimen. Huwag bibitiw sa intense at suspense na mga eksena sa huling tatlong linggo ng Hanggang Saan, na umeere tuwing hapon after

Asintado sa Kapamilya Gold timeslot.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …