MULA SA isang librong pinagkunan niya ng inspirasyon ay inilunsad ni Maine Mendoza ang kanyang personal blog na pinamagatan niyang Humans of Barangay.
Hindi ang Dubsmash Queen ang bida roon kundi mga tao na nakakasalamuha niya sa mga barangay na dinarayo ng outdoor segment ng Eat Bulaga araw-araw (napansin lang namin ang ilang grammatical lapses niya bilang “foreword” nito).
Buena mano si Paolo Ballesteros, ang kasama ni Maine sa naturang segment along with Jose Manalo and Wally Bayola. Tungkol sa “coming out” ni Paolo ang nakalahad doon.
Kami man ay may pananaw sa pinapaksa ni Paolo, na matagal nang hinihintay at inaabangan ng madlang pipol (at Dabarkads).
Ang nais lang naman kasing marinig ng mga ito ay simpleng “oo” at “hindi” lang.
“Yes, I’m gay!” o ”No, I’m not gay!” lang naman ang tila makapagpapatahimik ng kanilang binubulabog na konsensiya.
Pero huwag ka, hindi ang denial sa pagiging isang beki ni Paolo ang mistulang musika sa kanilang mga tenga. Ano pa nga ba kundi ang mga salitang ”Opo, bakla ako!”
Ayaw ni Tuesday Vargas (na umawit ng ‘Di Ako Bakla!).
Pero ang diskarte ni Juan (na Juanita pagsapit ng gabi) ay hindi strategy ni Pedro (na rumarampa naman na gamit ang alyas na Petra).
Despuwes, kung umamin nitong February si Mark Bautista na mayroon siyang homosexual leanings, huwag natin siyang itulad kay Paolo.
Sa pagme-make over pa lang at panggagaya ng fez ng mga celebrity— lokal man o banyaga—ay malaki na ang kaibahan nina Mark at Paolo.
May punto si Paolo at gets namin ‘yon.
Ang pagka-come out o paglaladlad ng kapa ay hindi at hindi dapat idinidikta.
Mismong ang may katawan lang—at wala nang iba pa—ang may pananagutan kung ‘yun ba ang gagawin niyang hakbang o hindi.
Wala ring karapatang manaig ang desisyon ng sinumang miyembro ng pamilya ng sinumang beki na nagkukubli sa kanyang kloseta. Huwag nating ipilit kay Paolo if he chooses not to reveal his identity, karapatan niya ‘yon.
And nobody has the right to take that right away from him.
At ska hindi ba’t may kasabihang “It takes one to know one”? This being a universal truth, alam na.
Ano pa ba naman kasing pag-amin ang gusto nilang marinig mula sa bibig mismo ng kabayo (wow, how literal!)?
Kung ang pagiging isang beki ay maituturing—kunwari lang—na isang krimen, huliman sa akto o hindi, then Paolo is guilty beyond reasonable doubt.
Eh, ano naman!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III