Friday , November 22 2024

Hustisyang mabilis sa Kuwait resulta ng alboroto ni Digong

SENTENSIYADO na agad ang mag-asawang Nader Essam Assaf, Lebanese, at Mona Hassoun, Syrian.

Sila ang mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na inabuso, pinahirapan, pinatay saka inilagay sa freezer ng mag-asawang Assaf at Hassoun.

Hindi natin akalain na sa ganitong panahon, mayroon pang mga taong nabubuhay na walang pagpapahalaga sa banal na buhay, tao man ‘yan, hayop o halaman.

Walang pangalawa ang ganitong kalupitan kaya naman isa tayo sa natutuwa nang kompirmahin ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang sentensiyang bitay ng Kuwaiti court sa mag-asawa.

Kinompirma ito ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althawaikh kay Secretary Bello. Ayon kay Ambassador Althawaikh, maaari pa itong iapela ng mag-asawa. Ngunit para iapela ito kailangan nilang humarap sa korte. Hindi sila puwedeng umapela in absentia.

Alam nating marami pang tanong at proseso kung paano maipatutupad ang sentensiya laban sa mag-asawa. Pero sa ngayon kinikilala ng pamahalaan natin ang pagsisikap ng Kuwaiti government para igawad ang hustisya kay Demafelis.

Naniniwala tayo na ito ay resulta ng alboroto ni Pangulong Digong nang ibaba niya ang deployment ban ng OFWs sa Kuwait.

Dalawang kondisyon ang hiningi ng Pangulo para tanggalin niya ang deployment ban sa Kuwait. Una nga ang pagdakip at paghatol ng kaparusahan sa mag-asawang Assaf at Hassoun. At ikalawa, ang pagpirma sa memorandum of understanding (MOU) hinggil sa OFW labor conditions sa kanilang bansa.

Pero siyempre, kailangan pa rin tiyakin muna ng pamahalaan na maipapataw ang parusa sa mag-asawang nagpahirap at pumaslang kay Demafelis bago tuluyang tanggalin ang deployment ban sa Kuwait.

At ‘yan umano ang ginagawa ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Sarah Arriola. Nakatakda siyang makipag-usap sa mga opisyal ng Kuwait hinggil sa labor law violations nang lumabas ang ulat sa paghatol ng Kuwaiti court sa employers ni Demafelis.

Ayon kay Secretary Bello, “This will give me the reason to consider recommending to the President a partial lifting of the deployment ban. I’m not prepared to recommend the lifting of the ban as far as household workers are concerned. Sa skilled workers, I may consider recom­mending to the President the lifting of the ban.”

Wow!

Nakaiiyak naman pero parang ngayon lang natin nakita at naramdaman ang malasakit ng pamahalaan sa mga kababayan na­ting tinaguriang “mga bagong bayani ng ba­yan.”

Kung dati ay puro dollar remittances lang ang importante sa pamahalaan, sa administrasyon ni Pangulong Digong at Secretary Bello ay nararamdaman ang kalinga nila ng ating OFWs.

Sana’y hindi na magbago ang ganitong sistema ng pamahalaan sa pag-aasikaso sa ating mga OFW, magkaroon man ng bagong pangulo o administrasyon.

Kudos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *