Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dalaw ng mga preso sa Bicutan BJMP MMDJ2 ‘bawal’ pa rin? (Attn: DILG Acting Sec. Año)

AYAW nating magbigay ng prediksiyon na magkakaroon ng malaking gulo sa Metro Manila District Jail 2 ng Bureau of Jail Management and Penology (MMDJ2-BJMP).

Pero sa inaasal ng mga opisyal at warden ng nasabing detention facility na mahigpit na ipinagbabawal ang dalaw, mukhang hindi nakapagtatakang lumikha ito nang malaking gulo lalo’t panahon ngayon ng tag-init.

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi ko na po tatawagin ang atensiyon ng mga opisyal ninyo sa BJMP at warden sa BJMP-MMDJ2 dahil mukhang patuloy ang pagtataingang kawali nitong sina BJMP chief, Director Deogracias Tapayan at MMDJ2 warden Senior Insp. Lucky Dionisio sa hinaing ng mga preso na hanggang ngayon ay hindi napupuntahan ng kanilang mga dalaw.

Sec. Año Sir, hanggang ngayon ay hindi alam ng mga preso kung kailan pa sila makikita ng mga dalaw nila na hanggang ngayon ay ayaw payagan ni  BJMP-MMDJ2 warden Lucky Boy.

Ayon sa detainees, kapag tinatanong nila kung kailan sila puwedeng dalawin, sasagot lang na hangga’t hindi niya sinasabi kung kailan.

Aba, gestapong-gestapo ang asal ng opisyal na ito Sec. Año?!

Kung ‘yung mga preso nga sa ilalim ng Bureau of Corrections na sentensiyado na, mayroong regular na dalaw, ‘yan pa kayang mga detenido na akusado pa lamang at hindi pa sentensiyado?!

Bakit ba ayaw ipadalaw? Ano ba ang rason?

Secretary Año Sir, pakibusisi ang BJMP lalo na ang MMDJ2 sa Bicutan!

JUETENG
SA SOUTH-METRO
NILARGAHAN NA!
(ATTENTION: NCRPO
Dir. Gen. OSCAR
ALBAYALDE)

LARGADO na naman pala ang operasyon ng jueteng  sa buong teritoryo ng Southern Police  District (SPD) matapos mabasbasan ang bagong jueteng lord na si alyas Jhun Bilorya.

Sa kanya na nagtakbuhan ang mga dating kabo at personnel ng dating jueteng operator sa south Metro dahil itinaas nang 40 porsiyento ang kita nila.

Ayon sa Bulabog boy natin sa PNP-SPD, i­lang tiwaling pulis na nakadikit sa SPD Office of the Director ang nagbigay umano ng go-signal para i-operate ni Bilorya  ang kanyang  jueteng den sa buong distrito.

Ipinagyayabang pa umano ni alyas Bilorya na inareglo na rin daw niya ang I.N.T. ng mga mayor ng bawat lugar maging ang mga chief of police at mga barangay na nakasasakop kung saan siya may  operasyon ng jueteng.

Kaya nga raw mabilis na nailatag ni alias Bilorya ang kanyang organisadong jueteng sa Pasay City, Taguig, Makati, Muntinlupa, Las Piñas at Parañaque dahil plantsado na ‘lahat?’

Ang pinagtatakhan ng ilang mga nagmamalasakit na mamamayan, bakit tila hindi ginagalaw at hinuhuli ng pulisya ang jueteng ope­ration ni alias Bilorya gayong mahigpit ang utos ni PNP chief, Director Gen. Bato dela Rosa na sugpuin ito?!

Anyare sa one-strike policy versus tengwe!?

Sonabagan!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …