Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dengue Expert sinupalpal ang PAO

LALONG nagkakagulo at hindi nagiging malinaw ang isyu sa kontro­bersiyal na Dengvaxia vaccine dahil sa pagmamarunong ng ilang tao at pagkakalat ng maling impormasyon.

At lalo itong luminaw sa senate hearing na ginanap nitong nakaraang linggo nang imbitahan ang world-renowned expert sa Dengue at De­ngue Vaccine Development na si Dr. Scott Halstead.

Nabatid na mahigit 50 taon nang nanaliksik si Halstead tungkol sa dengue at sa bakuna para rito. Siya ang inimbitahang resource person ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ng chair na si Senator Ri­chard Gordon pero lahat sila ay kinontra niya.

Sinabi ni Dr. Halstead, ang “neurotropism” at “viscerotropism” ay hindi puwedeng iugnay sa dengvaxia dahil pawang “theoretical risks” lamang.

Kabaliktaran ito sa mga isinisigaw ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta kasama si Dr. Erwin Erfe na Forensics ng PAO, sa kanilang ginawang autopsy na iniuugnay sa mga namatay ang dengvaxia dahil sa “neurotropism” at “viscerotropism.”

Kontra rin ito sa pahayag ni Dr. Tony Leachon at Dr. Susie Mercado na nagsabing kay Halstead daw nila nakuha ang mga sinasabi na link o pagkakaugnay ng dengvaxia sa viscerotropism at neurotropism o pa­mamaga ng internal organs.

Malinaw na sinabi ni Halstead na walang kaugnayan ito sa dengvaxia. Mariing sinabi ng international expert na walang saysay na sabihing “causative agent” ang dengvaxia at hindi rin malalaman sa simpleng awtopsiya kung may kaugnayan ito.

Ayon kay Halstead, alam na alam niya ito dahil nagsulat siya ng isang research paper tungkol dito na nailathala pa sa ibang bansa.

Sumasang-ayon din ito sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na wala pa talagang namatay na may kaugnayan sa dengva­xia.

Pangalawa, inirekomenda ni Dr. Halstead na kailangang i-monitor nang maigi ang mga batang naturukan ng dengvaxia upang matukoy agad kung sino ang may serostatus para malaman ang nararapat gawin kung sakaling magpakita ng dengue-like symptoms.

Hinikayat din niya ang ilan sa mga nasa me­dical research field na sumama at tumulong u­pang mapaigting pa ang pagsasaliksik ukol sa dengue lalo sa ating bansa na may mataas na kaso ng dengue.

Malaking tulong ang mga sinabi ni Halstead para tuluyang maka-move on ang bayan sa pro­blemang ito.

Supalpal na naman ang PAO at ang ilang mga doktor na nagpapanggap na eksperto.

International expert na ang mismong kumontra sa mga pahayag nila. Huwag sana nilang idamay sa isyu ng politika ang dengvaxia dahil kawawa ang mga nadadamay.

Noong isang linggo ay napaulat ang dengue outbreak sa Cavite at iba pang lugar. Marami nang natakot magpabakuna. Kailangang sugpuin ang dengue at hindi ito matatapos kapag maling impormasyon ang ibibigay sa publiko.

Maraming mga magulang ang humihingi ng kalinawan. Gulong-gulo ang publiko sa usapin na ito kaya’t panahon na para magkaalaman nang totoo.

Ayon sa ilang eksperto, dapat na manahimik muna ang lahat ng kampo o grupo na nagsasagawa ng pag-aaral ukol sa Dengvaxia habang wala pang pinal na konklusyon dahil hindi ito nakatutulong para sa publiko.

P100K SA PAMILYA 
NG WATERFRONT      
MANILA PAVILION
FIRE VICTIMS
PANGAKO NI PAGCOR
VP JIMMY BONDOC

AKALA natin ay winakasan na ni Jimmy Bondoc ang kanyang karera sa showbiz.

Hindi pa pala…

Lalo na nang ipangako niya sa pamilya ng mga empelyado nilang namatay sa sunog sa Waterfront Manila Pavilion hotel and casino.

Si Jimmy Bondoc ay kasalukuyang vice pre­sident for corporate social responsibility group pero parang emote na emote siya sa kanyang pangako na tila nagso-shooting sa isang pelikula.  Aniya, agad umanong nagpaluwal ng inisyal na tulong at sariling pera si Pagcor Chairperson Andrea Domingo.

At bukod umano riyan ay personal siyang magbibigay tig-P100,000 sa bawat pamilya ng mga biktima.

Hindi kaya overacting ‘yan?!

Napakagalante naman pala ni Madam Didi at ni VP Bondoc — mantakin ninyong mag-aabono sila para maglubag ang loob ng mga pamilya ng mga biktima.

Bakit hindi ipaliwanag ni VP Bondoc kung bakit tapos na ang kontrata ng Pagcor Casino sa Waterfront Manila Pavilion hotel ay naroon pa rin ang casino ng Pagcor?!

Hindi ba’t nagplano nang kumalas ang Pagcor sa Pavilion dahil malaki ang lugi at napakamahal ng rentang binabayaran nila sa hotel ng pamilya Gatchalian?!

Kung umalis na ang Pagcor casino sa Waterfront Manila Pavilion, nadamay pa kaya sa sunog ang Pagcor employees na sina treasury officers Edilberto Evangelista and Marilyn Omadto, at ang security guard na si Billy Rey de Castro?!

Maaaring espekulasyon ang tanong na ito, pero ano kaya sa palagay ninyo ninyo Madam Didi and VP Jimmy Bondoc?!

Pakisagot na nga po?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *