Monday , December 23 2024

National ID system dapat isabatas nang tuluyan

ISA tayo sa pabor na isabatas na ang National ID System o ang isinusulong na Senate Bill No. 1738 (An Act Establishing the Philippine Identification System)

Kung hindi tayo nagkakamali, aprobado ito sa 3rd at Final Reading sa Senado kahapon at umaasa ang mga senador na ia-adopt ng Kamara ang kanilang national ID measure.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng National ID System. Ibig sabihin nito, isang ID na lang ang kikilalanin ng mga establisyemento o ahensiyang naghahanap nito.

Tingin natin, matutuwa ang lahat ng mamamayan sa sistemang ito maliban doon sa mga may ginagawang hindi maganda o ilegal.

Sa kasalukuyang sistema, kailangan dalawang government issued ID ang ipakita. Kahit driver’s license ayaw kilalanin, kailangan pa ng ibang ID na government issued din.

Mantakin naman ninyo, may SSS ID, TIN, dri­ver’s license, postal ID, voter’s ID na hanggang ngayon ay hindi naman inire-release at iba pang kung ano-anong ID.

E kung isa na lang ang ID, e ‘di hindi na kai­langan magdala ng kung ano-anong ID.

Ang importante sa National ID System saka­ling maaprobahan ito ay kung paano maisasalin nang mahusay sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ang security features na hindi mapepeke ng kahit na sino.

Alam ba ninyong sa Hong Kong, kapag nangingibang bayan ang mga local residents doon, ang ID na lang nila ang ini-scan sa kanilang airport. Ang passport nila ay para na lamang sa bansang pupuntahan o pinangga­lingan nila?!

Hi-tech na hi-tech ‘di ba?

At wala namang nagrereklamo sa kanila sa ganoong sistema, na hindi naman nakaaabala kundi nakapagpapabilis pa nga ng mga proseso.

Sana ay dumating din ang katulad na panahon dito sa Filipinas.

At  mangyayari lang ‘yun kung maaaprobahan ng buong Kongreso ang panukalang batas.

Sana naman ay huwag nang magpatawing-tawing pa ang Kamara sa pag-adopt ng Senate Bill 1738 nang sa gayon ay maipatupad na ang National ID System o  Philippine Identification System (PhilSys).

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *