Sunday , December 22 2024

Mas epektibong komunikasyon, hindi lumang estilo ng protesta (Sa public utility vehicle modernization protest)

PASINTABI sa mga kapatid nating jeepney drivers.

Nakikisimpatiya po sa inyo ang inyong lingkod dahil nauunawaan naman natin na hindi lang simpleng hanapbuhay kundi kabuhayan ang inyong ipinaglalaban.

Dahil kayo’y nasa transport service, natural na tool of production ninyo ang inyong jeepney. ‘Yung mga walang pag-aaring jeepney, ang kanilang kakayahang magmaneho ang ibebenta nila bilang serbisyo — kaya sila ay lalabas na service crew.

Alam natin na ang tinitingnan ninyong isyu rito ay kawalan ng malasakit ng pamahalaan sa mga jeepney drivers and operators na tatamaan ng modernization ng mass transportation.

Pero ayon sa LTFRB at LTO, matagal na kayong kinakausap ukol rito, kayo lang ang ayaw humarap at makipagkompromiso.

At ‘yun ang isa sa mga problema na nakikita natin. Hindi ito makukuha sa isang upuan lang. Kailangan dito ang mahabang plano. Pero siyempre kailangan kayong makiisa sa phaseout ng lumang jeepneys.

Ang problema naman ng LTFRB at LTO bigla na lang nanghuli ng jeepneys na nais i-phase out. Hindi na lang hinintay ang rehistrasyon ng yunit bago itinakdang bawal na sila sa kalye.

Lalong hindi naresolba ang mga isyu at ngayon ay naiwan sa ere ang jeepney drivers and operators.

Hayan lalo tuloy nag-trigger nang sunod-su­nod na tigil-pasada sa hanay ng transport group.

Ang siste, mga magulang at mga estudyante ang napeprehuwisyo.

Sa sobrang dami ng holidays sa Filipinas, ang daming araw na walang pasok sa eskuwela. Bukod sa holidays nadadagdag pa ang deklarasyon ng local government units (LGUs) na walang pasok sa lahat ng antas ng eskuwela kapag may tigil-pasada.

Wala bang ibang alam na paraan ng protesta ang jeepney drivers and operators kundi ang ‘i-blackmail’ ang commuting public?

Mahihirap na commuters lang ang napeprehuwisyo ninyo hindi ang mayayaman na bawat isang miyembro ng pamilya ay may sasakyan.

Hindi ba ninyo alam na nabubuwisit ang mga ‘magulang’ sa ginagawa ninyo?

Puwede ba, umisip naman kayo ng ibang estilo ng protesta dahil sa totoo lang, wala nang na­tutuwa sa inyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *