Tuesday , December 31 2024

Ibawal ang political dynasty

SA kabila ng katotohanang mandato ng Kongreso batay sa 1987 Constitution na magpasa ng batas sa anti-political dynasty upang mapigilan ang pananatili sa kapangyarihan ng ilang angkang politikal ay patuloy pa rin silang namamayagpag.

Ayon sa Article II Section 26 ng ating 1987 Constitution, “The state shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ipinagbabawal man ng Konstitusyon ang political dynasties ay hinayaan nito sa Kongreso ang pagpapasa ng batas laban dito, na maliwa-nag naman na hindi nila inaaksiyonan. Ito ay sa kadahilanang ang karamihan sa mga mambabatas ay pawang miyembro ng dynasty na hanga­ring lansagin ng Saligang Batas. Wala pang naisasabatas hanggang sa kasalukuyan kaugnay ng status ng political dynasties sa Filipinas.

Sa Local Government Code ay isinasaad ang hangganan ng termino ng mga opisyal ng local government. Pero gayonman ay wala naman sinasabi ritong limitasyon sa pagtakbo ng mga kaanak ng nakapuwestong opisyal o paghawak ng maraming puwestong pampolitika ng iisang pamilya.

Ang abogadong si Christian Monsod na isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution ay aminadong nagsisisi siya na hindi sila nakapaglagay ng eksaktong probisyon laban sa political dynasties na dapat daw sana ay aabot sa ikaapat na degree ng pagiging magkaanak ang pagbabawal. Kung ito ang nangyari, kahit ang mga mag-first cousin ay masasakop ng pagbabawal.

Sa botong 10 laban sa siyam sa talakayan ng mga posibleng pag-aamyenda na puwedeng gawin sa Konstitusyon ay nanaig ang mungkahi na maglagay ng regulasyon sa halip na ipagbawal nang tuluyan ang political dynasties. Ang puna nga ng isa sa mga bumoto para magkaroon ng ban ay magkakaroon lang ng mga butas na puwedeng gamiting palusot kung regulasyon lamang ang ipatutupad.

Sa regulasyon ay palalawigin hanggang sa second degree ang relasyon ng magkakamag-anak, kabilang ang mga lolo, lola, apo, mga ka­patid ng politiko, biyenan at pati na ang mga bayaw, hipag, lolo at lola ng kanyang asawa.

Kung hindi rin makapagpapatupad nang buong pagbabawal ay makabubuti nang magkaroon man lang ng kaunting regulasyon upang mabawasan naman ang sangkaterbang magkakaanak na nakapuwesto nang sabay-sabay sa local at national positions habang nagpapasasa sa kapangyarihan.

Pero huwag sana nating kalilimutan na dapat ay buong pagbabawal ang maipatupad upang maging pantay-pantay ang politika at hindi sinasamantala ng mga ganid sa kapangyarihan na nagbabalewala sa Konstitusyon at nananatiling nakakapit sa puwesto para sa pansarili nilang kapakanan. Ito ay malaking insulto sa ating mga mamamayang nagmamahal sa tunay na demokras-ya.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *