Friday , December 27 2024

Diborsiyo pag-aralan pang mabuti

SA botong 134-57 ay ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagsusulong ng diborsiyo sa bansa. Naipasa ito kahit nagpahayag ang pangulo na tutol siya rito.

Ang tanong lang ay kung magiging ganap na batas ba ito gayong malamig na malamig ang pagtanggap dito ng Senado.

Giit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, na ang pagsusulong sa diborsyo ay base na rin sa hinaing ng maraming mga kababaihan na gustong makakawala sa mapang-abusong relasyon.

Maaaring marami ang tumututol sa panukalang ito, lalo na ang simbahan at sila na nagsasabi na may matinding pagpapahalaga sa pamilya. May takot ang ilan na baka tuluyan nang mawalan ng pagpapahalaga ang mamamayan sa tunay na diwa ng kasal at pagpapamilya.

Gayong ikinokonsidera natin ang pagpabor sa pagsusulong ng diborsiyo sa bansa, naniniwala tayo na kailangan pang higit na marinig ang mamamayan tungkol sa kanilang setimyento rito. Kailangan sigurong mahimay pang mabuti ang panukala, ang mga rason nito, sa pagsusulong ng nasabing batas.

Tamang bigyan muna ng Senado ng “cold shoulder treatment” ang panukala at saka timbangin mabuti ang kabutihan o kaya’y kasamaan ng panukalang ito, bago tuluyang magdesisyon kung dapat ba itong ipasa o ibasura.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *