UBOS ‘daw’ ang pondo ng Philippine Olympic Committee (POC) nang datnan ng bagong administrasyon ni Ricky Vargas.
Pero dahil bago na ang administrasyon, maraming private corporations ang sumusuporta ngayon sa POC para maging maayos ang pagsasanay ng ating mga atleta.
Una ngang nagbigay ng seed money na P20 milyones si telecommunication tycoon and Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chair emeritus Manny V. Pangilinan.
Sumunod ang Petron, ang Lamoiyan Corporation, San Miguel Corporation at Ayala Corporation.
Pinakabago ang Tanduay.
Ayon kay Lucio “Bong” Tan, Jr., “As long as they use the funds the right way, 100 percent [we’ll support].”
Si Bong Tan din ang namumuno sa Tanduay Athletics, na patuloy na tumutulong sa pagpapaunlad ng grassroots development sa larangan ng sports.
Sa pamamagitan ng suporta mula sa iba’t ibang pribadong kompanya, sisikapin ng POC na sanayin sa pinakamahusay na paraan ang mga atletang haharap sa 18th Asian Games sa Jakarta, ang 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa at ang 2020 Tokyo Summer Olympics.
Hopefully, makaani na ng gintong medalya ang mahuhusay nating atleta na tunay namang magagaling kulang nga lang sa pagsasanay dahil kapos nga sa budget.
Hindi natin alam kung saan napunta ang pondo ng POC. Saan nga ba Uncle Peping?
Sa totoo lang, hindi lang naman financial support, kailangan na kailangan din ng mga manlalaro natin ng suportang moral.
Kaya dapat magkapit-bisig ang iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan para tuluyang palakasin ang Team Filipinas!
Sulong POC president Ricky Vargas! Sulong pa Filipinas!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap