Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Political dynasties and turncoatism target ‘daw’ ng Cha-cha

UNISON ang tono ng Senado sa isinusulong na Charter change (Cha-cha) sa Kongreso.

Ang target nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at Liberal Party president and Senate Minority Leader Francis Pangilinan wakasan ang political turcoatism at dynasty na talamak na umiiral sa mahabang panahon sa ating bansa.

Para kay Sen. Kiko dapat wakasan ang political turncoatism at d­apat itong itakda sa Konstitusyon. Ganoon din ang isinusulong ni Sen. Koko na anti-political dynasty.

Partikular na nais i-ban ni Sen. Kiko ang mga political butterflies dahil ang mga ganoong politiko ay wala umanong prinsipyo at nagli­lingkod lamang sa kanilang sariling interes.

Kung mangyayari raw iyan ang bawat political party ay magagaba­yan ng mga prinsipyo at hindi ng mga personahe.

Kung sakali, ito ang malaking pagbabago na maitatakda sa Charter change na ang tinutumbok ay paglikha ng sistemang federal sa pamahalaan.

E sa totoo lang, kapag nangyari ‘yan, baka walang matira sa mga mambabatas natin dahil lahat sila ay ilang beses nang nagpapalit-palit ng partido at bumali-baliktad.

Hindi lang turncoatism, kumbaga sa kotseng naaksidente sa kalsada nag-turn-turtle na ‘yang mga politikong ‘yan. Basag-basag at yupi-yupi na nga pero nagagawa pang ‘makapaghilamos’ ng mga hilatsa nila.

Sabi nga ng mga mekaniko, ‘masilya at Anzal’ lang ang katapat ng mga politikong ginawang “lucrative job and business” ang serbisyo publiko

Arayku!

Yes, mga suki! At alam na alam nating lahat na malaking porsiyento ng mga politiko ay ganyan ang ginagawang sistema.

Ang ‘loyalty’ nila ay wala sa partido lalo na sa bayan kundi nasa sariling interes nila.

At ‘yan din mismo ang numero unong rason kung bakit ang nais tuldukan ni Sen. Koko na political dynasty ay nanatili at namamayagpag sa mahabang panahon sa ating bansa.

Ayon kay Sen. Koko, ang kanyang mungkahing Federalismo bilang sistema ng pamahalaan ay magbabawal sa pamilya ng mga politiko hanggang sa second degree of affinity and con­sanguinity na pumasok sa ‘serbisyo publiko.’

“We want to change the system. Federalism espouses increased accountability which will lead to change in political culture,” ani Pimentel.

Hindi kasi magiging epektibo ang Federalismo sa Filipinas kung hindi mawawakasan ang political dynasty.

Kapansin-pansin na maraming probinsiya, lungsod o munisipyo sa bansa na kapag political dynasty ang namumuno hirap na hirap ang kanilang constituents.

Kahit na itinatakda sa Section 26, Article 2 ng 1987 Constitution ang pagbabawal sa political dynasties wala naman itong kangipin-ngipin.

Isa lang ang ikinabilib natin sa mga panukalang ito — mismong mga kapwa-politiko ang nagsusulong ng mga batas na magwawakas sa kapalaluan ng ibang politiko.

Ang tanong lang natin dito, magtagumpay kaya ‘yan kahit maaprobahan ang Charter change?!

Abang-abang na naman tayo, wish lang natin na sa bandang huli e hindi nganga ang sam­bayanan!

PONDO NG POC
‘NAHUROT’
NI UNCLE PEPING?!

UBOS ‘daw’ ang pondo ng Philippine Olympic Committee (POC) nang datnan ng bagong administrasyon ni Ricky Vargas.

Pero dahil bago na ang administrasyon, maraming private corporations ang sumusuporta ngayon sa POC para maging maayos ang pagsasanay ng ating mga atleta.

Una ngang nagbigay ng seed money na P20 milyones si telecommunication tycoon and Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chair emeritus Manny V. Pangilinan.

Sumunod ang Petron, ang Lamoiyan Corporation, San Miguel Corporation at Ayala Corporation.

Pinakabago ang Tanduay.

Ayon kay Lucio “Bong” Tan, Jr., “As long as they use the funds the right way, 100 percent [we’ll support].”

Si Bong Tan din ang namumuno sa Tanduay Athletics, na patuloy na tumutulong sa pagpapaunlad ng grassroots development sa lara­ngan ng sports.

Sa pamamagitan ng suporta mula sa iba’t ibang pribadong kompanya, sisikapin ng POC na sanayin sa pinakamahusay na paraan ang mga atletang haharap sa 18th Asian Games sa Jakarta, ang 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa at ang 2020 Tokyo Summer Olympics.

Hopefully, makaani na ng gintong medalya ang mahuhusay nating atleta na tunay na­mang magagaling kulang nga lang sa pagsasanay dahil kapos nga sa budget.

Hindi natin alam kung saan napunta ang pondo ng POC. Saan nga ba Uncle Peping?

Sa totoo lang, hindi lang naman financial support, kailangan na kailangan din ng mga manlalaro natin ng suportang moral.

Kaya dapat magkapit-bisig ang iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan para tuluyang palakasin ang Team Filipinas!

Sulong POC president Ricky Vargas! Sulong pa Filipinas!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *