Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Si Digong ba o ang nang-uurot na tumakbo sa Senado si Bong Go?

HINDI natin alam kung napapaikot ba si Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief, Secretary Martin Andanar ng mga taong nakakapit sa kanyang pundiya at pinangunahan pa niya ang pang-uurot kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na tumakbo sa Senado.

Matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi niya hahayaang mabulid si  SAP Bong na malulong sa politika.

Samantala si SAP Bong naman ay nagsabi na gusto niyang mamatay na ang kanyang pinagsisilbihan ay si Tatay Digong.

Klarong-klaro ‘di ba?!

E bakit biglang-biglang pinapuputok ng grupo ni Andanar na si Tatay Digong mismo umano ang gustong tumakbo si SAP Bong sa Senado?!

Hmmnnn… I smell something fishy here…

May mga taong gusto na namang kumita at gustong pagkakitaan si SAP Bong.

Ingat ka lang SAP Bong, may totosgas nga riyan sa mga nang-uurot sa iyo pero matindi ang bawi.

Huwag na natin pagdudahan kung mananalo ba? Ang klaro riyan, maraming DDS kaya hindi malayong  manalo si SAP kahit wala ‘yung mga nang-uurot sa kanya.

‘Yan e kung totoo ngang tatakbo siya.

Pero sana lang ay mapagbulay-bulayan ni SAP Bong ang intensiyon ng mga umuurot sa kanya.

Gustong mawala si SAP Bong sa tabi ni Tatay Digong kasi hindi sila makaderetso.

Gustong-gusto nilang makaderetso, gigil na gigil.

Kawawang SAP Bong kapag nagoyo ng mga taong ayaw magsialis sa kanyang pundiya, pati si Tatay Digong ay tiyak na maapektohan.

Kumbaga sa talangka, gusto nilang hilahin pababa si SAP Bong Go.

Kitang-kita ‘yan SAP Bong kaya kailangan na maging matalas ka laban sa ‘urot gang.’

Huwag kang paiisa!

TURISMO
SA BORACAY
APEKTADO NA
SA PLANONG
PAGSASARA

SA darating na June ng taong kasalukuyan ay tila ipatutupad na ng pamahalaan ang direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay.

Ito ay napag-usapan din sa ginawang “Se­nate hearing” noong nakaraang linggo na pinanguna­han ng mga senador na sina Cynthia Villar, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva.

Nandoon din sina DENR secretary Roy Cimatu, DOJ Undersecretary Antonio Kho, Jr., DOT Secretary Wanda Teo, DILG Secretary Eduardo Año at DOT Usec. Kat De Castro.

Pangunahing usapin ang violations tungkol sa “waste disposal” ng mga nakatayong establisiyemento sa nasabing isla.

Nandiyan din ang pagpapatupad ng “25 plus 5” meters mandatory salvage zone na kinakailangang magiging distansiya ng buildings and establishments sa shoreline and high tide mark.

Ayon sa mga senador at mga miyembro ng gabinete, “very firm” daw ang pangulo na ipa­tupad ang kanyang direktibang pagsasara para na rin mabigyan ng leksiyon ang mga sumalaula sa kagandahan ng isla.

Kung totoong magaganap ito, siguradong halos 75 porsiyento ng mga nakatayong negosyo mula station 1 hanggang station 3 sa Boracay ay tatamaan.

Nakatakda rin mawalan ng hanapbuhay ang ilang libong residente ng Malay, Aklan na umaasa sa negosyo at kalakalang dala ng turismo.

Hindi lang mga taga-Boracay kung sakali ang nakatakdang maapektohan. Nandiyan din ang airports ng Kalibo at Caticlan na siguradong hihina kung sakaling wala nang pupuntahan ang mga turista.

Ngayon pa lang daw ay marami nang nagkansela ng kanilang bookings sa iba’t ibang hotels pati sa airlines kahit papara­ting na ang summer season sa susunod na buwan.

Sana naman ay magawan ng paraan agad ng pamahalaan na maayos sa madaling panahon ang  tungkol sa “waste management disposal” para hindi maapektohan ang turismo sa lugar.

Harinawa…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *