TINIYAK ni Senadora Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Service, na mananagot ang mga kawani at opisyal ng gobyerno na maglalabas ng fake news.
Sinabi ni Poe, tiwala ang taongbayan sa mga taga-gobyerno sa bawat sinasabi at ipinararating sa publiko.
Aniya, tama lamang na tumbasan ito ng makatotohanang balita na walang halong panlilinlang at malisya.
Hamon ni Poe sa mga ayaw magkaroon ng pananagutan o parusa ang isang taga-gobyerno kapag nagkalat ng maling balita, na mas makabubuting umalis na lamang sila sa puwesto.
Sa isinagawang pagdinig, sinabi ni Poe dapat mas patawan ng mabigat na parusa ang mga taga-gobyerno na nagkakalat ng fake news.
Bunsod ng pahayag ng senadora, umalma si Presidential Spokesperson Harry Roque at iginiit na huwag i-single out ang gobyerno sa naturang isyu.
Sinabi ni Roque hayaan ang taongbayan ang magdetermina kung fake news o hindi ang isang balita.
(CYNTHIA MARTIN)