Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rolly quizon

Rolly, nagre-respond na sa mga gamot (matapos ma-stroke)

NA-STROKE si Rolly Quizon at nasa ICU ng isang ospital sa Quezon City. Ang maganda lang balita ay mukhang nagre-respond naman siya sa mga gamot na ibinibigay sa kanya.

Ewan kung natatandaan pa ng henerasyon ngayon si Rolly. Siya ang unang anak ni Mang Dolphy na sumikat bilang isang matinee idol. Pogi naman iyang si Rolly lalo na noong nagsisimula pa lamang siya. Bagets pa iyan nang pumasok sa pelikula at nang malaunan ay naging regular sa John and Marsha, bilang anak din ng tatay niya at ng aktres na si Nida Blanca. Ipinartner pa siya noon kay Alma Moreno, na nang malaunan ay naging asawa rin ni Mang Dolphy.

Noong lumaon ay medyo nagkakaroon ng kaunting problema, nasabayan pa ng pasok ng isa pang anak ni Mang Dolphy, si Eric Quizon, na matinee idol din ang dating at medyo nasapawan nga si Rolly. Lumabas na mas naging seryoso sa kanyang pinasok na career si Eric, mas sumikat hanggang sa maging director pa nga ngayon. Noon naman medyo nabakante na si Rolly.

Maraming kung ano-anong lumalabas na tsismis noon kay Rolly na medyo nagka-bisyo nga raw, pero baka hindi naman totoo. Huli naming nakita si Rolly nang masalubong sa isang mall, mga ilang panahon na rin ang nakararaan. Medyo matured na nga. Iba na ang hitsura. Mukhang hindi napangalagaan ang sarili, pero nakilala pa rin naman niya kami. Binati pa nga kami eh.

Mabait naman iyang si Rolly eh. Kahit noong panahong sikat na sikat iyan, hindi naging mayabang.

Nakalulungkot na ngayon ay bigla na lang nabalita na na-stroke siya. Nangyari iyon sa loob ng isang supermarket. Mabuti kasama niya ang girlfriend niya, at may iba namang mga taong tumulong para mabilis siyang madala sa ospital.

Si Rolly, nakasama pa iyan ni Ate Vi roon sa pelikulang Burlesk Queen, at nanalo pa siyang best actor noon sa Metro Manila Film Festival. Nakahihinayang lang at napabayaan niya ang kanyang career. Magaling pa naman sana siyang actor.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …