Friday , November 22 2024
Boracay boat sunset
SA kabila ng mga problemang kinakaharap tungkol sa sewerage system ng mga resort sa Boracay Island ay marami pa rin ang pumupunta rito para magbakasyon at matunghayan ang paglubog ng araw. (MANNY MARCELO)

Dinarayong beach resort sa buong bansa nabulabog sa Boracay scam

HINDI lang mga negosyante sa Boracay ang nataranta, lahat ng lugar o lalawigan sa bansa na dinarayo ang dalampasigan ay biglang na­bulabog dahil nag-ikot na ang mga operatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung hindi pa nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi pa matataranta ang mga establishment na may malalang paglabag sa DENR law.

Nagkukumahog ngayon ang karamihan ng mga establishment sa pagkuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at katakot-takot na repair at konstruksiyon sa mga kakulangan nila gaya ng septic tank (pozo negro) at sewage system.

Kaya hindi lang Boracay ang nagkukumahog ngayon, pati ang Puerto Galera, El Nido, Siargao sa Surigao del Norte, mga beach resort sa Zambales, sa Pagudpod sa Ilocos Norte, sa Camarines Sur at sa iba pang lugar na sinasalaula ang mga dalampasigan, lahat ‘yan ay ginagalugad na ng DENR.

Kailangan pa talagang mag-alboroto ng Pangulo para kumilos ang mga taga-DENR.

Tsk tsk tsk…

Sana pagkatapos nito ay matuto na ang  mga negosyanteng puro kita lang ang pinagtutuunan ng pansin at walang pakialam sa kanyang mga tauhan lalo sa kalikasan at kapaligiran.

Sana lang ay huwag magpaareglo ang mga taga-DENR lalo na ‘yung mga nasa lalawigan. Huwag sana silang magpatukso sa salapi ng mga salaula sa kapaligiran.

Iligtas natin ang magaganda at dinarayong isla at dalampasigan sa buong bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *