Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
salin na angela KWF

Panawagan sa mga kabataan sa Sali(n) Na, Angela!

INIIMBITAHAN ang lahat ng mga kabataang nasa edad 12–17 na lumahok sa Sali(n) Na, Angela!, isang timpalak sa pagsasalin ng mga tula ni Angela Manalang Gloria, na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino bílang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Fi­lipinas sa Abril.

Maaaring pumili sa mga tula ni Gloria na “Poems,” “The Debt,” at “1940 A.D.,” na isasalin mulang Ingles tu-ngong Filipino. Ang magwa-wagi ay tatanggap ng sumu-sunod na gantimpala: P5,000.00, unang gantimpala; P3,500.00, ikalawang gantimpala; at P1,500.00, ikatlong gantimpala.

Isinilang sa Pampanga, ngunit lumaki sa Albay, itinuturing na ina ng mga makatang babaeng nagsusulat sa Ingles si Angela Manalang Gloria.

Noong 1940 ay kinilala siya bilang “Natatanging Kabataang Babae sa Panitikan” ng Philippines Graphic.

Ang kaniyang aklat ng tula na Poems (1940)  ang una at tanging koleksiyon ng tula bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na isinulat sa Ingles ng isang Filipina.

Patuloy itong panghihimok ng KWF sa mga kabataan na magsalin ng mahahalagang akda tungo sa wikang pambansa at kasama ang timpalak na ito sa ikaapat na taóng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na may temang Pingkian Panitikan.

Tatanggap ang KWF ng mga lahok hanggang 6 Abril 2018. Para sa mga detalye, maaa­ring tumawag sa 736-2519, o bumisita sa kwf.gov.ph

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …