Friday , November 22 2024

Imee sa Senado nakapondo na ang boto

SA nakaraang 15th Liga ng Mga Barangay-Cagayan Congress sa Clark, Pampanga, napabalitang humingi ng basbas si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga opisyal ng barangay sa Cagayan na suportahan sila, sakali mang may tumakbo sa kanilang pamilya sa national elections.

Pero dahil may nakahain pang protesta si dating senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) mas malamang na si Gov. Imee ang tumakbo sa Senado.

Wala nang kuwestiyon kung mananalo o hindi si Gov. Imee. Alam naman nating lahat na naka-pondo na ang kanyang boto.

Baka nga maging topnotcher pa.

Sa mid-year elections sa 2019, magwawakas na rin ang termino ni Senator Juan Ponce Enrile, kilalang anak ng Cagayan — isang bahagi ng tinatawag na Solid North, ang base ng pamilya Marcos.

Bukod sa Cagayan, bahagi rin nito ang Ilocos, Cordillera, La Union at Pangasinan. E may Waray country pa at iba’t ibang organisasyon na kilalang loyalista ng angkan ni Apo. Huwag rin ka­limutan ang overseas Filipino workers (OFWs).

Sabi nga, walang katulog-tulog ang kandidatura ng kahit na sinong Marcos.

Kaya kung hindi magdadalawang-isip si Gov. Imee na sumabak sa national elections — wala nang duda ang kanyang pagwawagi.

Pero siyempre, tiyak na sasakit din ang ulo niya sa mga grupong walang kasawa-sawa sa pagtutol na makapuwestong muli ang kanilang angkan.

Kaya sino ang maysabing hindi masaya ang midterm elections?!

Tiyak na maraming magsasaya rito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *