Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Pia, natural umarte

MASASABI nga bang isang baguhan talaga si Pia Wurtzbach para tawaging isang new movie actress? Pinag-uusapan iyan noong humarap siya sa media bilang leading lady ni Gerald Anderson para sa pelikulang My Perfect You. Actually iyon ang kauna-unahang pelikula niya na siya ang bida. Noong araw pa lumalabas sa mga pelikula at sa telebisyon si Pia, ibang pangalan pa ang gamit niya noon. Nito lang namang manalo siyang Miss Universe at saka niya ginamit na talaga ang kanyang tunay na pangalan.

May dalawang opinion diyan. Una, iyong nagsasabing hindi mo naman masasabing baguhan pa iyang si Pia dahil beterano na siya ng ilang pelikula at TV shows. Ang ikalawa naman ay sinasabing siguro ok lang naman iyon dahil ngayon lang naman siya nagsisimula ulit ng kanyang career bilang si Pia Wurtzbach. Bago ang pangalan, bago rin naman ang image matapos na manalo sa Miss Universe, kaya masasabing bago rin.

Pero ang mas mahalaga sigurong tingnan natin ay iyong kakayahan ni Pia bilang isang aktres. Sa totoo lang hindi pa namin napapanood si Pia, at siguro kung nakita man namin ang ibang pelikula o TV show na nagawa niya noon, hindi naman namin siya napansin.

Mas napansin namin iyong acting niya noong mapanood namin ang trailer niyang My Perfect You, na nakita lang namin sa internet. Alam naman ninyo, iba pa rin iyong mapapanood mo ang isang performance sa big screen, sa isang sinehan, kaysa napapanood mo lamang sa maliit na monitor. Pero sa nakita naman namin, mukhang nakakakumbinsi ang kanyang acting. Mukhang natural naman ang dating.

Sabihin na nga natin, kasi naman nasa director iyan. Hindi naman nakikita ng artista ang sarili niya habang siya ang umaarte. Iyong director niya ang nakakakita talaga at dapat magsabi sa kanya kung kulang o sobra ang acting niya. Lahat iyan naico-correct naman ng director, maliban na lang kung tamad din ang director at pinababayaan na lang ang lahat matapos lang ang pelikula niya.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …