Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Butterfly, kalapati minsan dove sa dream

Hello po sir,

S drim q, may nakita aq butterfly and klapati or dove, minsan po paulit-ulit drims q bkit po kya ganun? Wait q po ito s HATAW, salamat po, Jun ng Pasig ‘wag nio post cp # q

 

To Jun,

Ang paruparo ay may kaugnayan sa creativity, romance, joy, at spirituality. Posibleng ikaw ay makaranas ng transformation sa makabagong pamamaraan ng pag-iisip. Ikaw rin ay maaaring sumasailalim o sasailalim sa transitional phase.

Isaalang-alang din ang terminong “social butterfly” na naglalarawan ng isang taong popular at outgoing. Ito ba ang iyong deskripsiyon? Kung hindi, maaaring nagsasaad ang panaginip mo na kailangan kang maging outgoing.

Alternatively, ang butterfly ay sagisag ng longevity. Ang bungang-tulog mo ay maaaring nagsasabi rin ng pangangailangan ng break sa pagiging abala at demanding na pang-araw-araw na buhay mo. Ito ay maaaring nagpapahayag din sa iyo ng pangangailangan o pagha­hanap ng peace at quiet sa iyong pamumuhay. Kailangan mo rin ng sapat na panahon upang ma-decompress at ma-restore ang iyong pananalig o pananampalataya.

Kapag sa panaginip ay nanghuhuli o nangunguha ng paruparo, nagsasaad ito ng pagiging superficial mo. Alternatively, maaaring nagsasabi rin ito ng possessive nature. Kapag naman nakakita ng patay na paruparo, may kinalaman ito sa hindi natutupad na mga mithiin sa buhay.

Ang panaginip hinggil sa kalapati ay sumisimbolo sa peace, tranquility, harmony, affection, at innocence. Partikular, kapag nakakita ng puting kalapati sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent sa loyalty, love, simplicity, gentleness, at friendships.

Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa mensahe at blessing mula sa Holy Spirit. Bunsod marahil ng pag-alis sa iyong puso at isipan hinggil sa hate at revenge.

Kung ang bungang-tulog mo naman ay nagpapakita ng mating-doves at gumagawa ng pugad, ito ay sagisag ng joyous home life na punong-puno ng love, tranquility, pleasure, at security.

Ang paulit-ulit o pabalik-balik na panaginip naman ay kadalasang nangyayari na mayroong kaunting pagkakaiba sa tema ng napanaginipan mo. Ang ganitong panaginip ay maaaring positibo ang hatid sa nananaginip, ngunit kadalasang nightmarish o hindi maganda ang nilalaman nito.

Posibleng ang rason nito ay dahil ang conflict na nasa iyong panaginip ay hindi pa nareresolba o hindi mo binibigyan ng pansin. Ngunit sa oras na nakahanap ka na ng solusyon sa bagay na ito, kusang matitigil ang ga­nitong klase ng panaginip mo. Kadalasan ang mga panaginip ay may hatid na mensahe na naglalayong turuan ka hinggil sa iyong sarili.

Gayonman, madalas din na paggising natin upang gawin ang ating pang-araw-araw na routine, may mga taong nakakalimutan ang kanilang napanaginipan.

Maaaring ang mensahe ng paulit-ulit na panaginip ay sobrang mahalaga o malakas kaya hindi ito umaalis o madalas mangyari ulit. Ang rason nito ay upang mapansin mo ito at gumawa ka ng hakbang. Pangkaraniwan lang naman ang ganitong sitwasyon na bunsod ng mga bagay na nangyayari sa ating paligid, suliranin, o mga pagbabagong kinakaharap na labis na nagbibigay ng malaking epekto sa atin.

Ang ganitong panaginip ay maaaring maulit nang once a week o once a month o mas madalas pa. Ngunit gaano man ito kadalas, ito ay nagha-highlight ng personal weakness, fear, or your inability to cope with something in your life – sa kasalukuyan man o sa nakalipas.

Nagbibigay ng mahaha­lagang impormasyon ang repetitive patterns ng iyong panaginip. Maaaring may kaugnayan ito sa conflict o mga sitwasyon na hindi pa natutuldukan, nareresolba o nagkakaroon ng closure. Dapat lang maintindihan ang mensahe ng panaginip na paulit-ulit at harapin ito.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …