Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Recto Lourdes Sereno Teresita de Castro
Vilma Santos Recto Lourdes Sereno Teresita de Castro

Ate Vi, natensiyon sa mga mahistrado

BAGAMAT aminado si Ate Vi (Vilma Santos) ng naging tension niya nang mapagitnaan ng mga naglalabang justices ng korte suprema sa isang gathering, wala ka namang nakitang pagkakaiba ng pakikitungo niya sa lahat sa kanila.

“Hindi ako apektado ng politika kahit na kailan. Siguro nga masasabi ng iba na politician ako, kasama ako sa isang political party. Pero hindi ako apektado niyan eh. Sa akin kasi naging politician ako na ang talagang interest ko lang public service eh. Basta nagagawa ko ang trabaho ko para sa mga kababayan ko, wala akong pakialam sa politika.

Hindi ako kailangang sumunod nang sumunod kahit na kanino. Basta kung ano ang ikabubuti ng mga tao, at kung ano ang gusto ng mga kababayan ko, iyon ang mahalaga sa akin. Kaya nga hindi nawawala sa akin iyong consultation sa mga barangay eh.

Sa akin kung ano ang mas makabubuti, roon lang ako. Wala akong ibang considerations. Hindi ako nag-iisip ng puwesto. Hindi ako naghahabol ng kahit na ano personally. Kung ano mayroon ako, kuntento na ako eh. Kung kulang pa, mag-artista na lang ako, mas matutuwa pa ang fans ko. Kaya ako, hindi ako affected talaga ng politika, kahit na sabihin pa nilang nasa isang political position ako.

“Masaya na ako sa buhay ko,” pagtatapos pa ni Ate Vi.

Pero kailan nga ba gagawa ng pelikula ulit si Ate Vi?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …