MARAMING kabataan daw sa kasalukuyan ang hindi makabayan (patriotic) sabi ni Senator Manny Pacquiao.
At kasunod niyan ay sinisi niya ang mga guro na hindi nagtuturo nang tama kaya hindi umano nagiging makabayan ang mga kabataan.
Kaya maghahain umano siya ng bill na magdadagdag ng kurikulum o asignatura ukol sa patriotism.
Pero hindi naging positibo ang pagtanggap dito ng mga miyembro ng Teachers Dignity Coalition (TDC) sa pangunguna ni Benjo Basas.
Hindi lang daw mga guro ang may responsibilidad sa paghubog sa mga kabataan para maging makabayan. Dapat daw buong komunidad. At higit sa lahat, dapat maging ehemplo ang mga opisyal ng pamahalaan.
May punto si Sir!
Pero siyempre, sila ang katuwang ng magulang sa early stages ng pag-aaral ng mga bata ukol sa kasaysayan ng Filipinas.
Sa pag-aaral sa kasaysayan ng Filipinas umuusbong ang pagiging makabayan ng isang mamamayan.
Kaya Mr. TDC boss, Benjo Basa, parents, Senator Manny Pacman at iba pang opisyal ng pamahalaan, huwag magturu-turuan dahil lahat tayo ay may responsibilidad para turuan at maigiya ang mga kabataan tungo sa patriotismo.
Mula sa tahanan, sa paaralan hanggang sa mga opisyal ng pamahalaan, dapat na doon umusbong ang pagiging makabayan ng mga kabataan — ang pag-asa ng bayan.
‘Yun lang.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap