Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Edu Manzano Dawn Zulueta FPJAP Ang Probinsyano

Rowell, Edu, Dawn at Alice mga bagong pasok na karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano (Mag-inang Alma at Mark interesado sa serye ni Coco)

SA hinaba-haba nang panahon ay nagwakas na rin ang kasamaan ni Don Emilio (Eddie Garcia) at ilang tauhan matapos siyang mapatay ni Cardo (Coco Martin) sa kanilang enkuwentro sa Baguio habang ginaganap ang parada ng Panangbenga Festival. Naroroon ang grupo ni Coco na Vendetta para sa kanilang misyon para pigilan si Don Emilio at Sen. Matteo de Silva sa plano nilang pagpapasabog sa Burnharm Park na isasagawa sana ng tao nilang si Buwaya mabuti at natunugan agad ito ni Cardo kaya nailigtas nila sa kamatayan ang mga tao sa parke.

Naroroon pa naman ang pamilya ni Cardo na kinabibilangan ni Lola Flora (Susan Roces) na roon nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang lahat ng mga anak-anakan at mga kaibigan nila ng kanyang apo.

Samantala bukod kina JC Santos, Matet de Leon at komedyanteng si Jobert Austria ay apat na malalaking artista ang kasama na rin ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano at sila ay sina Rowell Santiago, Edu Manzano, Dawn Zulueta at Alice Dixson at hindi pa dini-divulge kung ano ang magiging role ng bawat isa.

Bilang respeto sa mga mas senior sa kanya ay nagbigay pugay si Coco sa kanila nang dalawin niya sa taping ang mga nabanggit na big stars. Ang mag-inang Alma Moreno at Mark Anthony Fernandez ay nagbigay na rin ng feeler na parehong interesado na mapasok sa action-drama series na hanggang ngayon ay no.1 show sa buong bansa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …