Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Sharon, iniiwasan na naman ni Gabby; paggawa ng movie, imposible na

NGAYON, sinasabi nilang mukhang si Gabby Concepcion na naman ang umiiwas sa kanilang muling pagtatambal ni Sharon Cuneta. Hindi lang sinasabing dahil nakipag-negotiate na siyang muli sa kanyang network tungkol sa mga susunod niyang gagawing proyekto, which means kung matutuloy iyon ay halos imposible na naman siyang makagawa ng pelikula, at dahil sa kanyang naging reaksiyon sa mga sinabi ni Sharon sa isang interview sa kanya sa telebisyon.

Nag-sorry naman si Sharon at sinabi niyang wala siyang masamang intensiyon. Wala naman siyang sinabing masama kahit kanino, nabigyan lang ng ibang pakahulugan ang sinabi niya. Minsan kasi, napaka-transparent nga ni Sharon, at hindi niya naiisip kung ano ang mga bagay na maaaring sabihin sa mga usapang personal, kaysa roon sa maaari mong sabihin sa publiko talaga.

Hindi naman sa kani-kanino, pero mukhang hindi nga yata magandang pakinggan iyong sinasabi niyang magkakabalikan na sana sila noon, pero may nakita na namang iba si Gabby. Inaamin naman ni Gabby na may mga pagkakamali rin siya, pero napakahirap nga naman na iyong mga lumang sugat na naghilom na sana ay muling sinugatan, at kiniskis pa ng asin.

Ngayon nga na wala pa silang ginagawa kundi isang commercial na ni wala pang isang minuto, ganyan na ang mga usapan, ano pa kaya ang magiging takbo ng mga kuwento kung may gagawin silang pelikula? Sa ganyang sitwasyon, sabi nga namin hindi naman kani-kanino, pero normal lang na umiwas si Gabby. After all, alam naman nating lahat na ang buhay ng isang artista ay ang maganda niyang image. Kung iyong mga pagkakamali na nagagawa sa buhay ay paulit-ulit ngang uungkatin, hindi rin naman maganda. Isipin naman ninyo, 13 taon na ngang namalagi si Gabby sa abroad para makalimutan ang lahat ng kontrobersiya at makapagsimula ng panibagong buhay, tapos ngayon pa lang siya bumabawi ganyan na naman ang mga kuwento, eh ano nga ba ang mangyayari?

Tama rin naman si Gabby, na siguro nga kung may gagawin sila, dapat sa isang producer at director na neutral lamang sa kanilang dalawa.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …