Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sylvia Sanchez Rei Anicoche-Tan Beautederm
sylvia Sanchez Rei Anicoche-Tan Beautederm

Sylvia, may sarili ng Beautederm Clinic

MATAPOS ang taping ng Hanggang Saan last Saturday ay dumiretso ang mahusay na actress na si Sylvia Sanchez  ng airport patungong Nasipit, Agusan del Norte kasama ang bunsong anak na si Xavi para sopresahin ang kanyang Mommy Roselyn Campo sa kaarawan nito.

Tsika ni Ms Sylvia, ”Hindi puwedeng hindi ko makita ang nanay ko sa espesyal na araw niya dahil kung hindi dahil sa kanya, eh, wala ako.”

Kasabay ng pagtungo ni Sylvia sa Butuan ang pagbisita sa kanyang franchise at ineendosong Beautederm na under construction na ang clinic at ngayong summer ang target opening.

“Ang dami kasing naghahanap ng Beautederm products doon, may distributor naman si Rei (Anicoche-Tan) doon kaso naghahanap sila ng clinic din. Siguro naging word of mouth na rin ang Beautederm kasi may mga naka-experience na.

“Kaya naisip namin ng partners ko na magtayo kami ng clinic at the same time maging sole distributor na rin kami ng Beautederm sa Butuan.”

Nakaalalay sa pagbubukas ng kanyang sariling Beautederm Clinic ang CEO/President at matalik na kaibigang si Ms Rei Anicoche-Tan na 100% ang suporta kay Sylvia.

Ang produkto ng Beautederm at pag-aalaga ng Beautederm Clinic ang sikreto ni  Sylvia kung bakit mukha pa rin siyang bata at maganda ang kutis. Maging ang mga kapatid sa panulat ay Beautederm na rin ang gamit at kitang-kita ang kakaibang glow at ganda ng kanilang skin.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …