Monday , December 23 2024

Malakas ba ang raket sa POEA One-Stop Shop Service Center?

ATING napag-alaman na kasali pala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga ahensiya na may sariling representative sa itinatag na One-Stop-Service Center (OSSC) diyan sa POEA.

Kasama raw sa function ng BI sa OSSC ang magbigay ng departure clearance information para sa OFWs.

Ayon sa report, itinalaga ang isang immigration officer para sa nasabing task.

Pero teka, may info tayong nasagap na nagiging daan daw ang pagkakaroon ng koneksi­yon doon ng naka-assign na empleyado para makapag-recruit ng mga OFW na nade-deny ang kanilang Overseas Employment Clearance o OEC.

Imbes magpursige makakuha ng OEC ang OFWs sa POEA ay dumidirekta na raw na kausa­pin ang naka-assign na empleyado roon para sila ay paalisin sa bansa kahit walang OEC?

Resulta?

E ‘di maliwanag na ‘pasahero’ para kay ate ‘este kay kuya!

Ayayayy!

Kaya pala “abruptly” ay biglang dumagsa raw ang mga ‘tourist’ na Pinay papuntang middle east.

Kasama ba sa itinerary ng Pinay tourists na ‘yan ang mga bansang Lebanon at Kuwait?

‘Di kaya si madam ‘este si sir ang kontak nila?

Marami nga raw ang nagulat sa Immigration lalo sa mga nakakikilala sa BI-OSSC representative dahil ‘suddenly’ naging active sa social media si ma’m ‘este’ sir?!

Panay daw ang post ng kanyang accomplishments lalo nang magkaroon siya ng “total make-over.”

Huh? Make-over?

Ano ‘yan, Xander Ford?

Hindi lang po ‘yan.

Nawindang daw ang lahat dahil sa pronouncement niya na ang “goal” niya raw sa buhay ay makaipon ng “10 cars!”

Wattafak?!

Kakaiba pala kapag ikaw ay na-assign diyan sa OSSC.

Nagiging “achiever” ka!

Well, ‘di naman nakapagtataka dahil sa i­lang buwan lang ni ate ‘este’ kuya sa kanyang assignment ay two brand new cars agad ang kanyang na-achieved.

Hindi talaga nakapagtataka na hindi niya malayong marating ang pangarap niya.

Btw, sino nga pala ang BI-OSSC representative na isang accomplished “achiever?”

Well, itago na lang natin siya sa pangalang “Cutie!”

BI Comm. Jaime Morente, pakibusisi nga po ang ‘achiever’ na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *