Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

e-Passport printing bakit nanatili sa APO-UGEC kahit maraming reklamo ng iregularidad?

MULI na namang umalingasaw ang isyu ng e-passport printing sa ilalim ng  APO Production Unit at United Graphic Expression Corp. (UGEC).

Sa hearing ng House of Representatives’ good government and foreign affairs committees hinggil sa alegasyon ng iregularidad sa printing ng e-passport tahasang sinabi ni dating Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr., na ang joint venture agreement ng state-run APO Production Unit at ng United Graphic Expression Corp. (Ugec) para sa pag-imprenta ng Philippine e-passports ay malaking kawalan sa pamahalaan.

Huwaw?!

Ani Yasay, nakapagtataka na hindi man lang mapanagot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang UGEC sa mga kapalpakang nagaganap ngayon sa Consular Affairs Office dahil lagi ngang late ang releasing ng passport, gayong ang nasabing kompanya ang may direktang control sa planta ng pag-iimprenta ng passports sa Lima Technology Center sa Batangas.

Hindi rin pala kasama ang UGEC sa orihinal na memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DFA at APO para sa 10-taon e-passport printing project.

‘Yan umano ang dahilan kung bakit tinabla ni Yasay ang kontrata noong isang taon nang siya ang nasa DFA at ibinalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Pero kahit ibinaba na niya ang kautusan, nanatili pa rin sa APO-UGEC ang printing.

At ‘yun talaga ang sabi nga ‘e multi-million-dollar question.

Mukhang ‘yun din ang dahilan kung bakit ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon ni Yasay bilang DFA Secretary.

Kaya lalong nagkabakit-bakit?!

Sino ba talaga ang may-ari UGEC at bakit hindi kayang tablahin ng APO?

Alam din ba ng publiko na pera ng gobyerno ang ipinangtayo ng planta ng UGEC sa EPZA ng Batangas? Pera at pag-aari ng gobyerno pero ang lumalabas na kumikita nang limpak-limpak ay UGEC!?

Pero palpak pa rin ang serbisyo!

Wattafak!

Kung pananagutin ang UGEC sa ‘tila’ walang katapusang kapalpakan sa e-passport printing mayroon kayang lulutang na malalaking tao sa likod nito?!

Naitatanong natin ito dahil, nagtataka talaga tayo kung bakit hindi maibalik-balik sa BSP ang printing ng e-passport?!

Ganyan din kaya ang tanong ni Foreign Secre­tary Allan Cayetano?

At kung naitanong na ‘yan ni Secretary Alan, alam na rin kaya niya kung ano ang sagot?!

Pakibuloooooong naman po!

MALAKAS BA
ANG RAKET SA POEA
ONE-STOP SHOP
SERVICE CENTER?

ATING napag-alaman na kasali pala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga ahensiya na may sariling representative sa itinatag na One-Stop-Service Center (OSSC) diyan sa POEA.

Kasama raw sa function ng BI sa OSSC ang magbigay ng departure clearance information para sa OFWs.

Ayon sa report, itinalaga ang isang immigration officer para sa nasabing task.

Pero teka, may info tayong nasagap na nagiging daan daw ang pagkakaroon ng koneksi­yon doon ng naka-assign na empleyado para makapag-recruit ng mga OFW na nade-deny ang kanilang Overseas Employment Clearance o OEC.

Imbes magpursige makakuha ng OEC ang OFWs sa POEA ay dumidirekta na raw na kausa­pin ang naka-assign na empleyado roon para sila ay paalisin sa bansa kahit walang OEC?

Resulta?

E ‘di maliwanag na ‘pasahero’ para kay ate ‘este kay kuya!

Ayayayy!

Kaya pala “abruptly” ay biglang dumagsa raw ang mga ‘tourist’ na Pinay papuntang middle east.

Kasama ba sa itinerary ng Pinay tourists na ‘yan ang mga bansang Lebanon at Kuwait?

‘Di kaya si madam ‘este si sir ang kontak nila?

Marami nga raw ang nagulat sa Immigration lalo sa mga nakakikilala sa BI-OSSC representative dahil ‘suddenly’ naging active sa social media si ma’m ‘este’ sir?!

Panay daw ang post ng kanyang accomplishments lalo nang magkaroon siya ng “total make-over.”

Huh? Make-over?

Ano ‘yan, Xander Khan?

Hindi lang po ‘yan.

Nawindang daw ang lahat dahil sa pronouncement niya na ang “goal” niya raw sa buhay ay makaipon ng “10 cars!”

Wattafak?!

Kakaiba pala kapag ikaw ay na-assign diyan sa OSSC.

Nagiging “achiever” ka!

Well, ‘di naman nakapagtataka dahil sa i­lang buwan lang ni ate ‘este’ kuya sa kanyang assignment ay two brand new cars agad ang kanyang na-achieved.

Hindi talaga nakapagtataka na hindi niya malayong marating ang pangarap niya.

Btw, sino nga pala ang BI-OSSC representative na isang accomplished “achiever?”

Well, itago na lang natin siya sa pangalang “Cutie!”

BI Comm. Jaime Morente, pakibusisi nga po ang ‘achiever’ na ‘yan!

HINAING
NG AIRPORT
POLICE

GOOD am sir, kaming mga airport police ay desmayado sa isang opisyal namin na may bansag na bulalakaw. Magta-time-in ng madaling araw pero wala sa ofis at babalik bandang 4:30 pm, kunwari pagod n pagod sa trabaho at saka mag-time out. Magaling lang sa sipsip-bulong sa mga hepe. Sana maipa-monitor ni GM Monreal ang ginagawa niya. – Concerned airport police. – +639185253 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *