LAUGHTRIP ang mga taong nakapanood sa premiere night ng pelikula ni Paolo Ballesteros, hatid ng Viva Films, ang Amnesia Love na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall.
Bongga rin ang tambalan nila ni Yam Concepcion na may dalang kilig sa mga manonood dahil maganda ang chemistry nila.
Mabenta sa mga manonood ang ilang beses na kissing scene nina Paolo at Yam.
Kasama rin sa movie sina Geleen Eugenio, Maricel Morales, Angelica Yap, Annyka Asistio, Lander Vera Perez, Vandolph Quizon, Polo Ravales atbp..
Kaya naman para maaliw, mag-enjoy, at ma-goodvibes, manood ng Amnesia Love sa mga sinehan nationwide.
MATABIL
ni John Fontanilla