Sunday , December 22 2024

Ginto sa Olympic sisikaping sungkitin ni POC Chairman Bambol Tolentino

ILANG dekada nang hilahod sa gintong medalya ang mga atletang Filipino sa Olympiada kaya ito ang pangarap ngayon ni Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino.

Naniniwala si Chairman Bambol, sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation, Inc., mahusay na matutukoy ang pangangailangan ng mga manlalarong Filipino upang maisakatuparan ang kanilang “Olympic dreams.”

Sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan, ang delegasyon ay pangungunahan nina Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, windsurfing champion Geylord Coveta, triathlete Kim Mangrobang at tracksters Eric Cray at Trenton Beram.

Mayroon pang isang taon ang POC para sanayin ang mga manlalarong Filipino na ipadadala sa Tokyo.

Sa isang panayam,  inamin ni Chairman Bambol na hirap na hirap ang NSA o national sports associations kung paano popondohan ang pagsasanay ng kanilang mga atleta, lalo na umano yaong mga may kakayahan na katawanin ang ating bansa sa Olympics.

Si Chairman Bambol ang kasalukuyang lider ng mga cyclist sa bansa at kinatawan ng Cavite sa Kamara, kaya nakikita natin sa kanya ang sinseridad na maiangat ang dangal at kalagayan ng mga atletang Filipino na ilang panahong naging mukhang timawa dahil sa pinaniniwalaang ma­ling liderato.

Kaya ngayon, pinagsisikapan ni Chairman Bambol na i-maximize ang kakayahan ng Siklab at kanilang private partners para iangat ang pagsasanay ng mga manlalaro.

Sabi nga ni Phoenix Petroleum president and CEO Dennis Uy, kasalukuyang Presidential Ad­viser for Sports at ang utak sa likod ng foundation, “Ang Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation ang magsisilbing ‘gasolina’ para sa Philippine’s best athletes upang maisakatuparan ang pangarap ng bansa na makapag-uwi ng Olympic gold.”

Mabuhay ka, Chairman Bambol, maraming salamat sa iyong malasakit sa ating mga atleta.

Mga kababayan, let’s keep our fingers crossed para  sa Gintong Medalya ng Filipinas sa 2020 Tokyo Summer Olympics!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *